Unexpected

1554 Words
Napagdesisyunan kong ako na mismo ang magto-tour kay Julian sa buong hotel. Malapit na namin ito malibot ng buo at nang ipakita ko sa kan'ya ang isa sa hotel suite namin humiga siya sa kama. "Hoy! Bakit ka humihiga diyan? Hindi puwede," pagsuway ko sa kan'ya hinawakan ko ang kamay niya para paalisin siya. Kinagulat ko na lang nang bigla niya akong hilain papunta sa kan'ya kaya pumaibabaw ako rito. Gulat ko siyang tiningnan habang siya naman ay nakatingin lang sa akin ng diretso. Sa mga mata niya ay malalaman ko na parang hindi niya ine-expect na papaibabaw ako sa kan'ya dahil may space pa naman ito sa gilid niya. "S-sorry," sabay naming wika. Naging awkward. Mabuti na lamang ay kaming dalawa lang ang naglilibot dahil kapag pinasama ko pa ang secretary ko at nakita niyang ganito ang posisyon namin ay baka magulat iyon ng sobra lalo na alam niyang anak siya ng asawa ni mama ko. Inangat ko muna ang ulo at dibdib ko at hawak pa rin niya ang kamay ko pero parang may bumaon sa bandang hiyas ko, as in. Iyong feeling na saktong-sakto pa sa gitna. Parang nakiliti pa nga ito. F*ck! Napatingin ako kay Julian at walang emosyon niya akong tiningnan. Tuluyan na sana akong makakaalis sa ibabaw niya nang bigla niyang hawakan ang beywang ko at binalik sa pagkakaibabaw ko sa kan'ya. Ramdam ko na naman ang matigas, alaga niya ba 'yon? B-bakit gising? "A-anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong rito. "Do you want to have fun?" tanong niya sabay ngisi. "Hell no!" wika ko. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya pang guide sa akin na makatayo at hindi naman ako nabigo. Hanggang ngayon para ramdam ko pa rin sa hiyas ko ang naninigas at gising niyang alaga. Inayos ko kaagad ang suot kong dress. Sandali siyang natawa habang nakahiga pa rin. "I'm just trying to test you." Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Bumangon siya. "Sinusubukan lang kita kung bibigay ko." "H-huh?" Tiningnan ko siya na hindi makapaniwala. "What are you trying to say? Akala mo ba mabilis akong bumigay? Hindi ko rin naman isusuko sa'yo 'to dahil kapatid na kita." Nagkibitbalikat siya. "But... I'm not considering you as my sister." "It's okay, as long as I'm considering you as my brother. Hindi mo dapat ginawa 'yon ang awkward kaya! Paano kapag may nakakita sa akin? Alam pa naman ng mga staff ko rito na anak ka ni Tito Edward," sambit ko. "E ano naman? Hindi naman talaga kita kadugo," pagmamatigas niya. "Oriana, I can do whatever I want, hindi na ako bata." "Alam ko 'yon pero huwag naman 'yong aabot tayo sa ginawa mo kanina." "I'll just tell you this once, you are my first love, I never got tired of telling mom and dad about you before. When I found out that you would be my stepsister, I was annoyed because I didn't just come back here to the Philippines for dad but for my first love that I wanted to pursue. I'm trying my best to hold back my feelings because I'm your stepbrother." Nagulat ako sa sinabi niya halos mapatulala ako rito. Hindi ko inaasahan na first love rin pala niya ako kaya pala kahit minsan ay napakasungit niya sa akin, may time rin naman na mabait siya sa akin. "A-ano? Tine-test mo na naman ba ako?" Umiling siya. "No, lahat ng sinabi ko ay totoo... but don't worry, pinipigilan ko na ang sarili ko." Tumayo siya at saka ako nilagpasan nito para makalabas na rito. Hinawakan ko ang kamay niya. "I hope we will still be close... bilang magkapatid." Tiningnan niya ako ngumiti siya. "Hoping." Tuluyan na nga siyang lumabas gano'n din ako. Tapos na rin naman na ang pagto-tour ko sa kan'ya. "Mauna na ako, may kailangan din kasi akong asikasuhin sa business ko," wika niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. "What kind of business?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi mo na kailangan malaman." Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. "Bakit naman?" "Basta." Bakas sa boses niya ang pagkairita nito. "Sasama ako sa'yo," wika ko. Napahinto siya at tiningnan ako. "What are you talking about?" "I'll call Tito Edward, sasabihin ko sasama ako sa'yo para malaman ko 'yong business mo, puwede no rin naman ituro akin 'yon," ngumiti ako. "No." Muli siyang naglakad. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Tito Edward katulad ng sinabi ko sa kan'ya. "Hello, tito?" Napatingin kaagad si Julian sa akin at akmang kukunin ang cellphone ko pero mabilis kong iniwas. "Yes?" tanong niya sa kabilang linya. "Puwede po ba akong sumama kay Julian? Gusto ko rin malaman ang business niya." "Sure," sagot niya kaagad. Nilakasan ko ang speaker ng tawag para marinig ni Julian. "Ano po ulit?" nakangiti kong tanong. "Yes, you can. Sabihin mo sa akin kung ayaw niya," sagot niya. "Sige po," masigla kong sambit at pinatay na ang tawag. Tumingin ako sa kan'ya at bakas sa hitsura niya ang pagkairita. Ginagawa ko rin naman ito para mas mapalapit ako sa kan'ya, isasantabi at kakalimutan naman na ang nararamdaman namin e kasi nga magkapatid na kami kaya wala na kaming magagawa roon. "Bakit ba gusto mong sumama?" naiinis niyang tanong. Nagkibitbalikat ako. "Gusto ko e... at saka wala na rin akong gagawin ngayon." Huminga siya ng malalim. "Okay, fine, pero umuwi ka rin kaagad kapag napakita ko na sa'yo." Tumango ako habang nakangiti. "Sure." Sumakay na ako sa kotse ko at gano'n din siya. Sinundan ko na nga ito. Makalipas lang ang 20 minutes nakaratinv na kami sa isang puwesto na parang night club... night club nga yata. Halata sa design at sa materyales na ginamit dito ay mukhang mamahalin na. Bumaba na nga ito kaya bumaba na rin ako habang pinagmamasdan ko ito. "Ito ang business ko sa pilipinas, night club." Tumatango-tango ako. "So meaning ba nito kahit every night ako pumunta rito puwede?" "Puwede naman." "Libre rin dapat ako syempre," nakangiti kong sambit. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "Nahihibang ka na ba? Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Syempre kapatid mo ako." "Business is a business." Nagkibitbalikat ako. "Fine." May malalaking katawan na lalaki na nakatayo sa malawak na pintuan na ito na salamin. "Good morning, boss," sabay nilang wika. "Good morning." Pumasok na kami sa loob at doon ko nakita kung gaano kaganda ito. Kung ano ang kinaganda sa labas ay doble maman dito sa loob. Napalawak, ang bango at ang lamig. Wala pang mga tao kasi nga gabi lang ito nag-o-open pero may mga may lalaki na rito na nakaitim. "Sino sila?" tanong ko. "Tauhan ko mga 'yan," sagot niya. Tumatango-tango namabn ako muling inikot ang paningin ko. Sa tingin ko yayayain ko na si Eunice rito mamayang gabi. Ang ganda kasi e wala pang sounds at ilaw pero napakaganda na. Dinala niya ako sa mga VIP rooms at nang puntahan namin ang pinakadulong kuwarto ay hindi na kami tumuloy dahil hindi naman na niya ito binala pang buksan. "Bakit hindi binuksan 'yon?" tanong ko. "Do not attempt to enter there," sagot niya. "Bakit naman?" nagtataka kong tanong. "Just don't, Oriana." Hala? Sungit na naman ba? Hinayaan ko na nga lang ito kung saan niya ako dadalhin at hindi na ako masyadong nagtanong sa kan'ya kasi baka mamaya ay bigla na lang niya ako kaladkarin palabas ng night club niya. MAKALIPAS ang 8 hours, palabas na ako muli ng bahay. Pagkatapos ko kasi mag-ikot sa club ni Julian ay bumalik din naman ako sa hotel at inayos ang mga naiwan kong trabaho at pagkatapos no'n ay umuwi na ako. Tinawag ko na nga rin si Eunice para puntahan ang night club ni Julian. "Nasa'an ka na?" tanong ko kay Eunice sa tawag. "Nandito na ako sa gate niyo," sagot niya. Sumilip ako at nakita ko ang paparating na puting kotse kaya binaba ko na ang tawag at sumakay na ako sa kotse ko at pagkalabas ko ay sumakay na rin sa akin Eunice. Napagdesisyunan kasi namin na iisang kotse na lang ang gagamitin at ang kotse ko ang sinabi niya. "Madami bang gwapo roon?" tanong nito habang busy ako sa pagda-drive. "I'm not sure, ngayon palang kasi ako pupunta doon ng open iyon. Hindi ba nga kakapunta ko lang doon?" inis kong wika. "Oo nga pala, ano? Sorry naman." "Ikaw kasi mukha kang gwapo." Inikot ko mga mata ko. "Wow ah?" Tumingin siya sa akin. "Ikaw ba hindi?" "Depende," nakangiti kong sagot. "Alam mo kung ako sa'yo, kay Julian na ako." Masama ko siyang tiningnan. "Ano ka ba? Magkapatid na nga kami kaya hindi nga puwede." "Pero... kung hindi kayo magkapatid may pag-asa ba?" Bigla akong napaisip. "Hindi ko masasabi e, pero wala naman na akong feelings sa kan'ya." "Babalik din 'yan maniwala ka sa akin. Sa pagiging close niyo hindi pagmamahalan ng magkapatid ang mabi-build niyo, kundi pagmamahalan talaga na pang lover," wika nito. "Hay naku, mas mabuting manahimik ka na lang diyan," irita kong wika. "Aysus! Ayaw mo lang kasing tanggapin e kasi kahit ikaw alam mo sa sarili mo 'yan..." Ang kanina ko pang iniikot na tissue ay pinakain ko sa kan'ya. Naiinis na ako e, ayaw ko pa naman nag-iisip ng gano'n. Gwapo si Julian, as in nasa kan'ya na nga ang hinahanap ko sa lalaki pero hindi puwed e, hindi maaaring maging kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD