EPISODE 44 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Rachel, mag iingat kayo doon, a? Kung may kailangan kayo ni Anderson nandito lang kami ni Sebastian para tulungan kayo,” sabi ni Celestia habang nakahawak sa aking kamay. Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya at nagpasalamat sa lahat ng naitulong niya. Si Celestia lang ang nag iisang babae na naging kaibigan ko rito at hindi ko na rin masyadong na mimiss si Bonnie na nasa Las Vegas na ngayon at nag ta-trabaho. Malaki ang naitulong nilang mag asawa sa amin ni Louis pati na rin kay Alexander. We feel safe here habang ddito kami naninirahan at mamimiss ko ang probinsiyang ito at sisiguraduhin kong babalik kami rito sa susunod kapag naging maayos na ang lahat. Sa helicopter kami sasakay ngayon na pag aari ng Coleman. Nakaabang na rin ngayon doon sa Man

