EPISODE 49 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Uuwi ako diyan sa Pilipinas, Rachel. Tutulong ako sa paghahanap kay Alexander at sasamahan kita diyan,” seryosong sabi ni Bonnie habang kausap ko siya ngayon sa cellphone. Nalaman na rin ni Mommy ang nangyaring pagkawa kay Alec. Siya pa lang ang nakakaalam at hindi si Daddy. Sinabi ko muna sa kaniya na huwag niya munang ipaalam sa aking ama dahil nag papagaling pa siya doon at ayokong maapektuhan ito sa kaniyang pagpapagaling sa pagkawala ng kaniyang apo. “Thank you, Bonnie. I badly need you here. Wala akong makausap at hindi ko na alam ang gagawin ko,” mahina kong sabi habang nakahawak sa aking noo. Wala dito ngayon si Louis sa mansion dahil tinotoo niya ang kaniyang sinabi na hindi siya uuwi hanggang sa hindi niya nahahanap ang an

