EPISODE 52 RACHEL’S POINT OF VIEW. “I want to go with you, Louis Anderson!” muli kong sabi sa aking asawa. Naghahanda na sila ngayon dahil ngayon ang kanilang punta sa pinagtataguan ni Jennifer at kung nasaan ngayon ang anak namin ni Louis. Nakita kong may kinuha si Louis sa isang brief case at ng makita ko ito ay isa itong baril na parang naka customize talaga para sa kaniya. Bahagya niya munang hinimas ang kaniyang baril bago ito nilagay sa loob ng kaniyang suot na leather jacket. Pagkatapos niya itong gawin ay lumapit na siya sa akin at pinulupot ang kaniyang braso sa aking beywang at mas hinila pa ako papalapit sa kaniya. Hinaplos niya ang aking pisngi at tinitigan ako. “Stay here, Rachel. Natatakot ako na may mangyaring masama sa iyo kapag sumama ka sa akin ngayon,” seryosong wik

