Heaven POV, Isang buwan.. Isang buwan na ang lumipas pero wala parin kaming balita kung nasaan na si Moises, kung buhay pa ba ito o iniwan niya na kami nang mga anak niya ng tuluyan. Marami akong naririnig na baka daw inanod ang katawan ni Moises kaya di makita o kinain ng mga isda sa dagat. Pag naririnig ko yun ay gusto kung humagolhol nang iyak at pag naiisip ko, kung ganun nga ang nangyari kay Moises ay naaawa ako sa kanya. Pero umaasa parin ako na buhay si Moises hangga't walang katawan niya na nakita at alam kung babalikan niya kami. Sinama ko si Cloud para bisitahin ang bahay ni Moises at si Yaya Edith. "Mama, kailan ba babalik si Daddy?Akala ko ba, babalik siya agad. Namimiss ko na siya," Saad ni Cloud na nagpatulo ng luha ko niyakap ko na lang ang anak ko para hindi niya mak

