Episode 19

1729 Words
Heaven POV, Nakabihis na kami ni Cloud nang dumating si Moises. Papasok pa kasi kami sa work, pagkatapos naming iwan si Cloud kay Papa at kay Tita Veronica. "Let's go?" tanong ni Moises pagkababa niya ng sasakyan. Tumango naman agad ako sa kanya, kaya binuhat niya agad si Cloud papasok sa sasakyan. Pagbaba pa lang namin sa sasakyan ay agad tumakbo si Cloud sa lolo niya na noo'y nasa harap nang gate nag exercise ng lakad. "Lolo!" sigaw ni Cloud sabay yakap sa lolo niya. "Oh apo, bumalik na pala kayo. Akala ko hindi muna babalikan si lolo," ngiting saad ni Papa. "Pa, Tita," tawag ko sa kanila. "Iwan muna namin dito si Cloud papasok na kami sa work." "Ok iha, walang problema kami na bahala kay Cloud," Sabat ni tita Veronica. "Insan sabay na ako sa inyo papuntang Hotel!" sigaw ni Vivian habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Ok lets go," saad ni Moises sa amin ni Vivian. "Tito, tita, alis muna kami," paalam ni Moises. "Baby work muna si mama ha," baling ko kay Cloud. "Ok mama, I love you, sayo din daddy I love you." "I love you to son! Sabay naming sabi ni Moises sa anak namin. Bago pinaandar ni Moises ang sasakyan niya. "Heaven ililipat na kita ng work mo, assistant ko," bungad na saad ni Moises ng nasa loob na kami nang sasakyan. "Ha assistant?! Ayoko, parang wala naman akong gagawin niyan kung maging assistant mo lang ako," mabilis ko namang sabat kay Moises. "Ano kaba Heaven, ayaw mo nun assistant ka ni Moises,bawat galaw niya mababantayan mo kasi lagi kang nakasunod sa kanya," natatawang sabat naman ni Vivian. "Kahit na ayoko! mas ok na ko sa paglilinis ng hotel. Tiyaka sanay naman ako sa paglilinis." "Heaven, girlfriend na kita. Baka sabihin nila inalila ko parin ang ina ng anak ko at magiging asawa ko." "Wag mo na lang isipin ang sasabihin nila. Basta ako ok na ko sa trabaho ko sa hotel mo." "Ok, ok.. Kung di kita mapilit, pero pag kinasal na tayo hindi kana puwede maging tagalinis ng hotel ko. Dahil ikaw na may ari nito," Ngiting saad ni Moises. Habang si Vivian ay panay kurot sa tagiliran ko na pumayag sa gusto ni Moises maging assistant niya, at panay tawa halatang kinilig ang bruha. Nakarating na kami sa Hotel, pagkapasok namin ay sabay sana kami ni Vivian magpalit ng uniporme kaso hinila pa ni Moises ang braso ko at humalik pa nang mabilisan sa labi ko bago ito sumakay ng elevator papunta ng office niya, kinindatan pa ako ng nasa loob na siya ng elevator bago ito sumara. Inirapan ko na lang ito nang mata ko at mabilis na umalis sa harapan ng elevator para magpalit na. Nagsimula na kami sa trabaho namin nang mapunta ako sa swimming pool ng Hotel, kita kong wala pa itong tao kaya nilinisan ko muna. Maya-maya ay nagulat ako ng biglang may umahon sa gitna ng swimming pool at lumangoy papuntang gilid para umahon. Napatitig ako ng makita kung si Joshua. Naka swimming trunks lang ito at kita ang mga abs nito, lumakad itong papalapit sa akin habang pinupunasan nito ang basang buhok. "Sorry sir, akala ko kasi walang tao," agad kung saad kay Joshua na nakayuko. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan mukha ko at itinaas. "Bakit ka yumuyuko? Ayaw mo bang ipakita sakin ang mukha mo? O iniiwasan mo kong tingnan, natatakot ka ba na baka mainlove ka sakin ulit?" Sunod-sunod na tanung sakin ni Joshua. Tumingin muna ako kay Joshua bago nagsalita. "Hindi sa ganun, pag pasensyahan muna ako kung naistorbo kita dito aalis na ko," Agad kung sabat kay Joshua. Paalis na ko nang bigla niya kung hinila sabay nang pagtalon niya sa swimming pool kaya nahulog din ako, gulat ako ng bigla niya rin hawakan ang baywang ko papalapit sa kanya. "Namiss ko to Heaven, ung sabay tayong naligo," Mahinang saad nito at akmang yayakap sakin pero tinulak ko agad siya at mabilis na lumangoy papalayo sa kanya para umahon. Pero mabilis naman ulit nito nahawakan ang braso ko nang paahon na sana ako. "Bitawan mo ko Joshua!" sigaw ko. "Itigil muna to may asawa kana at mahal ko na si Moises kaya puwede ba tuluyan muna akong kalimutan." "Hindi ako naniniwalang nakalimutan muna agad ako!" agad na sabat ni Joshua at sapilitan akong hinalikan. Pak...! malakas na sampal ang ibinigay ko kay Joshua para tumigil siya. "What are you doing?!" Sigaw ni Moises ng makita kami. Sabay kaming napalingon ni Joshua, kaya agad akong umahon. Sumunod naman na umahon si Joshua at lumapit Kay Moises. "Gusto ko lang ipaalala kay Heaven ang halik ko. Baka sakaling pumayag siyang hiramin ko muna siya sayo pagkatapos ibabalik ko siya sayo pag tapos na ko sa kanya, tagasalo ka naman nang tira-tira ko hindi ba?" Ngiting saad ni Joshua. Sasampalin ko sana si Joshua sa narinig kong sinabi niya, kaso mabilis din ang kamao ni Moises na lumagapak sa mukha ni Joshua. "Wag na wag mong babastusin si Heaven sa Harapan ko. Kung ayaw mong higit pa diyan ang matikman mo," galit na saad ni Moises at agad akong hinila paalis sa harapan ni Joshua. Dinala ako ni Moises sa office niya at mabilis na kumuha ng bathrobe at towel at nakayukong ibinigay sakin ang mga iyun. "Galit ka ba sakin?"Tanung ko. "Hindi," Agad naman niyang sabat at mabilis na umupo sa lamesa niya at ibinaling ang mata sa computer. "Magpalit ka na baka magkasakit ka, ipapa-akyat ko na lang ang damit mo dito kay ada," saad nito pero hindi parin ito nakatingin sakin. Mabilis ko naman tinungo ang cr sa office niya at nagbihis, pagbalik ko seryoso parin itong nakatingin sa computer, kaya nilapitan ko ito at niyakap sa likuran niya. "Sorry, sorry Moises, hindi ko kasi alam na nandon pala si Joshua,"mahina kung saad sa kanya. "Kung ayaw mong magalit ako, pumayag kana maging assistant ko at hindi na maging tagalinis nang hotel. Please Heaven, natatakot ako baka isang araw mawala ka na naman sakin," mahinang saad nito at humarap sakin at mahigpit akong niyakap. "Hindi iyun mangyayari Moises, Ama ka ng anak ko. Ama ka ni Cloud kaya wala kang dapat ikatakot," saad ko at hinawakan ang mukha niya. "Hindi ko alam,sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Joshua, o tumingin ka sa kanya, nakakaramdam ako nang takot at selos na baka mawala ka sakin at sumama ka kay Joshua." Hinalikan ko na lang si Moises sa labi para matigil siya sa kanyang sinasabi at gumanti naman ito ng halik. "Please Moises, magtiwala ka sakin na sayo lang ako. Simula nung tinanggap kita ay sayo na ako ng buong-buo." Tumango naman si Moises at niyakap akong muli. Hapon nang magpaalam muna sakin si Moises na hintayin ko siya dahil sabay kaming uuwi may pupuntahan daw muna ito. Pumunta si Moises sa Ricafort company dahil pinapatawag ulit ito ng kanyang ama. Dumiretso agad siya sa office ng kanyang ama pero wala ito. "Nasa conference room po sir, si chairman," saad ng secretary sa kanya. "Ok, thank you." Mabilis naman pinuntahan ni Moises ang conference room naabutan niya nga ang Daddy at ang Step mom niyang nag uusap doon. "Moises andito kana pala, bakit mo sinuntok ang kapatid mo? Ngayon mo lang ito ginawa, simula nung bata pa kayo diko nabalitaang nag away o nagsuntukan kayo ni Joshua!" sigaw ng ama niya. "Binastos ni Joshua si Heaven Dad, kaya nagawa ko yun." "Dahil lang sa babaeng yun! Kaya nagawa mo yun kay Joshua. Ano na lang sasabihin ng mga kasosyo natin? Hiwalayan mo ang babaeng yan at layuan niyo parehong dalawa ni Joshua. Kayong dalawa ang magmamana ng kompanya ko, ayokong mag away kayo dahil lang sa isang babae, ipukos niyo ang isip niyo sa kompanya hindi sa babaeng yun!" "No Dad! Kung gusto mo ibigay mo na lang kay Joshua ang kompanya niyo at siya ang mamahala dito, hayaan niyo lang kami ni Heaven at ang anak ko." "Pero gusto ko rin na magtrabaho ka dito sa kompanya at hindi lang dun ka sa hotel mo nakapukos." "Hayaan mo siya honey, kung yan ang desisyon ni Moises, kaya naman ni Joshua patakbuhin ang kompanyang ito mag isa at sa tulong natin." "Oh siya, siya! kung yan ang pasya mo Moises pero sana wag na ulit akong makabalita na nag away kayo ni Joshua ng dahil lang sa babaeng yun. Sige na makakaalis kana," Mahinahong saad ng kanyang ama. "Sige na Moises," agad namang saad ni Sylvia kay Moises. "Ok, Dad," tugon ni Moises. Tumalikod na si Moises at aalis na sana nang bigla niyang marinig ang sigaw ni Sylvia. "Honey! honey!" Lumingon si Moises sa ama ay kita niyang hinahawakan nito ang dibdib at namimilipit sa sakit, kaya mabilis siyang tumakbo papalapit dito. "Dad, Dad!" "Anak Moises,kunin mo ang gamot ng Daddy mo sa office niya," utos ni Sylvia sa kanya. Mabilis naman siyang tumakbo sa office ng Daddy niya at agad hinanap sa drawer nito kung saan nakalagay ang gamot. Pagkakita niya ay mabilis agad siya tumakbo pabalik sa conference room. Gulat siya ng makita niyang marami ng empleyadong nakatingin sa loob. "Tabi! tabi!"sigaw ni Moises para makadaan siya pero mabilis siya hinarangan ng dalawang security guard. "Sir bawal ka po pumasok," Saad nang isa sa humarang sa kanya. "Ano? Sino ka para harangan ako?! Tumabi kayo dahil kailangan ni Daddy ng gamot!" singhal niya sa mga ito. "Sorry sir, pero utos ni Maam Sylvia na bawal daw kayo pumasok," agad na sabat sa kanya. Rinig naman ni Moises ang pag sigaw ni Sylvia. "Honey! honey..! Wake up bakit mo ako iniwan?"humagolhol na iyak nito. Kaya mas lalong nagpupumilit na pumasok si Moises sa room dahil sa narinig niya, gusto niya makita ang kanyang ama.. "Sinabing bitawan niyo ko!" Galit na sigaw niya. Nagpumilit siyang pumasok pero lumabas na si Sylvia. "Kasalanan mo to Moises! pinatay mo ang Daddy mo!" Sigaw nito na nagpagulat naman kay Moises. "Pinatay mo ang Daddy mo, dahil sayo kaya namatay ang Daddy mo!" humagolhol na iyak ni Sylvia. Rinig naman iyun lahat ng empleyado kaya ang lahat ay nakatingin kay Moises. Mabilis naman itinulak ni Moises ang humarang sa pinto at tumakbong pumasok, nilapitan niya ang Daddy niyang nahiga na sa sahig at wala ng buhay. "Daddy! Daddy!" Sigaw ni Moises at niyakap ng mahigpit ang ama na wala ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD