Third Perdon's PoV,
Humarap nga sa media si Mr Patrick na puro pasa ang mukha at sinabi sa media na binastos daw ito ng empleyado.
"Sa halip na tanggalin ng may ari nang hotel ang empleyadong nambastos sakin, ay binugbog pa ako ng may ari na si Moises king Ricafort."
Dahil dun maaga pa lang sa King Hotel ay puno na ito ng media na gustong kausapin si Moises.
Si Domer lang ang humarap sa mga ito, dahil noon pa ay di talaga humaharap o nagpapakuha ng picture si Moises sa media. Lagi ang ama lang nito o si Joshua ang humaharap sa media kung may problema ang kompanya nila o may magandang balita.
Pag sa problema naman sa Hotel ni Moises o gustong interviewhin ng media ang may ari para i congratulate noon na nakakuha ang hotel ng award na pinakamalinis na hotel at may magandang serbisyo. Pero hindi parin pinahintulutan ni Moises na makausap siya nang media o makunan ng picture tanging si Domer lang ang laging humaharap.
Dahil sa isyu ay isinirado muna ang hotel ni Moises.
Naalala naman ni Heaven na nakunan niya pala ang video ng pag uusap nila Moises at Patrick. Kaya agad niyang pinuntahan si Moises sa office nito.
"Moises," tawag agad ni Heaven pagkapasok niya sa office ni Moises kita niyang busy ito sa computer.
"Yes?" Agad namang tanung ni Moises at tiningnan siya. "Sabay tayo uuwi mamaya ha gusto ko makita mamaya si Cloud."
"Ok," tugon niya dito at lumapit ito kay Moises.
"Moises kinunan ko pala ng video noon ang pag uusap niyo ni Patrick, makakatulong ito para malinis ang pangalan mo at ang hotel."
Tumitig muna sa kanya si Moises bago ito nagsalita.
"Diba, bawal sa hotel na kuhanan ang video ang mga customer," saad nito.
"Oo, alam ko. Pero iba naman ito, ibedensya to para mapahiya yung manyak na Patrick na yun. Sige na Moises magpa press conference ka at ipakita mo ang video."
"Ayoko, hindi ako humarap sa media noon pa," seryosong saad nito.
"Pero pag di mo ginawa ito, masisira ang hotel mo hahayaan mo lang ba yun?"
"Patingin nga ng video," ani nito at kinuha ang phone.
Binigay nga ni Heaven ang cellphone niya at tiningnan ito ni Moises ng paulit- ulit, saka ngumiting tumingin sa kanya.
"Haharap ako sa media pero sa isang kondisyon."
"Ano namang kundisyon mo? Eh ikaw nga tong tinutulungan para malinis ang pangalan at hotel mo."
"Sagutin muna ko" ,ngiting saad nito. "Saka ako haharap sa media."
"Ha?! Ikaw nga tong tutulungan ikaw pa yung may kondisyon."
"Kung ayaw mo, edi wag na lang," saad nito sabay balik sa kanya ng phone. "Hindi ako haharap sa media at magpaliwanag hayaan mo yan sa katagalan makakalimutan din nila yan, at wala akong pakialam kung walang customer ang papasok sa hotel ko," seryosong saad nito at ibinalik ang mga mata sa computer.
Napangiwi naman si Heaven sa sinabi nito.
"Sayang naman ang hotel niya kung hahayaan niya lang masira," bulong niya.
"Ok! sige na Moises sinasagot na kita," mahina niyang saad na nagpatitig kay Moises sa kanya at ngumiti ito.
"Talaga Heaven? walang bawian ha!"
"Oo! Basta humarap ka lang sa media," inis niyang sabat. Tumayo naman ito at niyakap siya. Nginitian niya din ito at niyakap ng mahigpit.
"Tandaan mo Heaven, wala ng bawian," bulong ulit nito sabay halik sa labi niya.
Pumunta naman nang Ricafort Company si Patrick para kausapin si Sylvia at ang Daddy ni Moises tungkol sa pag invest niya at tungkol sa problema nila ni Moises.
Sumakay ito ng elevator, patungo sa office ng Daddy ni Moises, nakasabayan niya naman sa elevator si Joshua.
Seryoso lang nakatayo si Joshua sa loob ng elevator nang magsalita si Patrick.
"Joshua Ricafort Right?" Sabi nito pero walang imik si Joshua. "Joshua ako to si Patrick," saad nito sabay hawak sa balikat ni Joshua. "Ang__"
Hindi na natapos ang sasabihin nito ng biglang inikot ni Joshua ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya sabay tadyak kay Patrick at ilang beses din itong sinuntok bulagta naman sa loob ng elevator si Patrick.
"Nextime piliin mo ang kausapin mo at bastusin," tugon nito at lumabas narin ng elevator.
Nasa harap naman ng elevator ang asawa ni Joshua na si Sanya ng lumabas ito, kita niyang bulagta si Patrick at sumigaw ito.
"Walang hiya kayong magkapatid! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sakin!"
Agad naman inalalayan ni Sanya si Patrick at tumawag ng tao para madala sa ospital. Pagkatapos ay sinundan ni Sanya si Joshua sa office nito.
"Bakit mo yun ginawa kay Mr patrick huh? Dahil ba dun sa nabalitaan mong binastos niya si Heaven? Mahal mo parin ang babaeng yun ha! Joshua?!
Ako na ang asawa mo, kalimutan muna si Heaven," humagolhol na iyak nito. "Itigil muna rin ang pagpatol sa iba't-ibang babae Joshua hindi yan ang sulosyon para makalimutan si Heaven."
"Shut up Sanya!" sigaw nito. "Ikaw at si Mommy ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Heaven umalis ka ngayon dito sa office ko.. Alis!" Sigaw nito pero hindi parin umalis si Sanya at nanatiling umiyak sa harapan niya.
"Ayaw mong umalis edi ako ang aalis!"
Pagkatapos iyun sabihin ni Joshua ay lumabas nga ito sa office niya naiwang humagolhol nang iyak si Sanya.
"Kailan mo ba ako matutunang mahalin Joshua." bulong ni Sanya.
Dumiretso naman ulit si Joshua sa bar at uminom nang uminom.
Nagpa press conference na si Moises King Ricafort, dinagsa ng mga reporters ang press conference niya dahil ito ang una niyang magpakita sa publiko at magpakilala na siya ang may ari ng King Hotel.
"Ay ang gwapo pala ni Mr Moises King Ricafort," rinig ni Heaven sa ibang reporters na kinikilig ang mga ito ng makita sa harapan ng stage si Moises.
Habang si Heaven naman at ang ibang mga empleyado ay nakatayo lang sa tabi ng mga reporters.
Dumating naman si Mr Patrick sa Press conference ni Moises na nakasakay na ito sa wheelchair..
"Mr Moises! Mr Moises, totoo po bang binugbog niyo si Mr Patrick?" simula ng nagtanung ang mga reporters kay Moises.
"Oo, totoo na binugbog ko si Mr Patrick," diretsahang sagot naman agad ni Moises.
"Bakit po Mr Ricafort anong dahilan?"
Maya-maya ay may pinindot si Moises kaya lumabas ang video sa screen na nasa likuran ni Moises.
Kita nila ang dahilan at rinig nila ang pambabastos at pangmamaliit ni Mr Patrick sa mga babae.
Pareho-pareho lang lahat ng mga babae katulad ng mga kasama kung babae mga mukhang pera lang ang mga yan.
Kita din at rinig ang sinabing gusto niyang paluhurin si Moises sa kanya.
Nanlaki naman ang mata ni Patrick at ang mga reporters sa nakita.
"Kaya kung may gusto kayong tanungin o kausapin, si Mr Patrick ang kausapin niyo," saad ni Moises.
Agad naman pinalibutan si patrick nang mga reporters..
"Balita ko Mr Patrick, nabogbog karin ng kapatid ni Moises na si Joshua Ricafort totoo po ba?" tanung ng isang reporters na nagpagulat naman kila Moises at Heaven.
Tiningnan naman ni Moises si Heaven, gusto niya makita kung ano ang reaction ni Heaven na malaman nito na binugbog din ni Joshua si Patrick.
Dahil alam ni Moises ginawa rin ito ni Joshua para kay Heaven.
Ngumiti lang si Heaven kay Moises, at sumenyas na lalabas na ito ng conference room.
Mabilis naman tumayo si Moises at sinundan si Heaven at mabilis na hinila papasok sa isang bakanteng room. At agad niya itong niyakap.
"Heaven nagseselos ako," mahinang saad ni Moises habang yakap ng mahigpit si Heaven.
"Bakit?"
"Dahil pakiramdam ko laman parin ng puso mo si Joshua."
"Wala kang dapat ikaselos Moises, girlfriend muna ako. Ina ako ng anak mo at sayo na ako."
"Promise, you are mine now Heaven? Akin ka lang."
"Yes, sayo lang ako."
Pagkatapos iyun sabihin ni Heaven kay Moises ay agad siya nitong siniil ng halik. Halik na tumagal ng ilang minuto at paulit ulit iyun ginawa ni Moises.
Pagkatapos ng halikan nila ay niyakap siya nito ulit ng mahigpit, bago lumabas sa room na magkahawak ang kamay.