I.

1504 Words
"Hawakan mo ng mabuti ang kamay ng kapatid mo Issa, baka mabitawan mo at mawala yan." Paalala ni Inang samin bago kami umalis ng bahay papunta sa School ng kapatid ko upang sumama sa Field trip. Alas-Singko pa lang ng umaga ng makarating kami sa General Assembly ng School, ala-sais pa naman daw ang alis ng bus kaya may isang oras pa kami para mag-antay. Maya-maya ay pinapasok na kami ng Teacher nila sa Bus 12 para mahanap na namin ang mga Seat no. namin at maayos na ang mga dala naming gamit. Pangatlo ang upuan namin sa bandang likod ng bus at nasa tabi ako ng bintana, si Charlotte naman ay nakasandal sa balikat ko habang itinutuloy ang naudlot niyang tulog sa bahay. Ayaw raw niyang sa bintana pumwesto kasi nahihilo daw siya pag nakikita yung paligid habang naandar yung bus. Umandar na yung sinasakyan namin at nagsimula ng humilik yung katabi ko kaya nagsuot nalang ako ng earphones para relax lang sa biyahe. Papunta daw kami sa Garden of Lights sabi ni Kuyang tour guide at ilang oras pa raw ang tatangalin ng biyahe kaya magpahinga nalang daw muna kami. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang dalawin ako ng antok. Issa...Issa.. Issa... Naalimpungatan ako dahil parang may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko kaya tinanggal ko ang earphones ko baka kasi tinatawag lang ako ni Charlotte para magyaya kumain ngunit nakaka sampung segundo na akong ay wala naman akong narinig na boses ni Charlotte kaya dinilat ko yung mga mata ko para lingunin siya at yun nakita kong tulog mantika pa habang natulo pa ang laway. Pag tingin ko sa bintana ay tumaas agad ang balahibo ko ng makita ko ang lawak ng karagatan. Paakyat sa medyo pabangin yung bus may sementadong harang naman sa gilid ng bangin kaya hindi masyadong nakakatakot, mas natatakot ako sa dagat na nakikita ko, pakiramdam ko ay baka mahuhulog ang sinasakyan namin kaya pumikit ako ngunit narinig ko na naman yung boses na tumatawag sa pangalan ko kanina. Issa...Inaantay kita...Issa. Dinilat ko ulit ang mata ko at nakita ko na naman ang kinakatakutan kong dagat pero parang nahihipnotismo ako sa boses ng lalaki narinig ko. Hinahanap ko ang boses niya sa gitna ng mga malalaking hampas ng alon sa dagat, namumuo ang pawis ko sa noo dahil natatakot ako sa kung anong mga nilalang ang nasa ilalim ng malawak ng dagat sa harap ko. "Ate nagugutom na ako, kain muna tayo ng almusal." napabalikwas ako sa gulat ng kalabitin ako ni Charlotte na ngayon ay gising na pala, huminga ako ng malalim at binaba ang kurtina ng bintana upang hindi ko na makita ulit ang dagat. "Masama ba yung pakiramdam mo, Ate? " tanong sakin ni Charlotte habang pinupunasan ng Tissue yung pawis kong Noo. "Hindi naman, alam mo namang may Thalassophobia ako kaya ganto siguro yung epekto sakin kapag nakakakita ako ng dagat." sabi ko naman kay Charlotte ng nakangiti habang sumasandok ng onting kanin at ulam sa mga Tupperware na pinabaon samin ni Inang. "Hala Ate, hindi ko pa ba nasabi sayo? na yung huling pupuntahan natin sa Field Trip ay 4D Oceanarium." nabitawan ko yung kutsara at tinidor ko ng marinig yung sinabi ni Charlotte. "Sasama ka pa ba dun Ate?" nag-aalalang niyang tanong sakin. Hawakan mo ng mabuti ang kamay ng kapatid mo Issa, baka mabitawan mo at mawala yan. Naalala ko bigla yung paalala sakin ni Inang kanina kaya nag-Oo agad ako sa tanong ni Charlotte baka mawala pa siya dito edi wala nakong mauutusan maghugas ng plato pag busy ako tsaka 10 years old pa lang ito si Charlotte malayong makauwi ito ng mag-isa sa bahay. Saktong nagliligpit na kami ng pinagkainan namin ng magsabi yung tour guide na malapit na raw kami sa Garden of Lights nagkwento rin siya kung gaano na ito katagal ginawa ng mga ninuno ng lugar na iyon. Naka-ready na kami ng sabihin nung tour guide na bumaba na daw kami. May aakyatan pa kaming mga hagdan na bato para maakyat namin yung Garden of Lights animo'y nasa isa kaming makalumang templo dahil sa design ng lugar. Napa-wow ako ng maakyat namin yung tuktok, puro bulaklak at solar pannel na nagpapatakbo ng iba't ibang uri ng makinarya ang makikita mo. May wishing fountain na nagsasayawan yung tubig at ilaw nito na nasa gitna. "Ate tara doon tayo!" hinatak agad ako ni Charlotte sa Vendo Popcorn Machine kung saan mag lalagay ka lang ng bente pesos at pipindot ka lang ng gusto mong flavor ay kusa na itong gagana. Naglusot ako ng bente pesos at pinindot naman ni Charlotte yung BBQ button, may lumabas na timer na Limang minuto kaya inantay namin ito. Pagkatapos ng limang minuto ay kusa ng nagpack ng popcorn ang machine at lumabas ito ng naka ready na. "Ang astig Ate, gusto ko rin ng ganyan sa bahay para sa tuwing mag-aaway yung katapat bahay natin kukuha ako ng popcorn habang pinapanood ko yung live action movie nila." Pagbibiro niya sakin habang puno ng popcorn yung bibig niya. "Loko ka talagang bata ka pero sige basta pagbutihin mo yung paghuhugas ng plato." Biro ko rin sakanya sabay kuha ng popcorn na hawak-hawak niya. Nakita namin yung yung Tour guide habang nakataas yung hawak niyang numero ng Bus namin. "Bus no.12 pumila po tayo dito sa linya, tayo na po ang susunod na papasok sa loob, paki tago nalang po ng mga cellphones at camera niyo. Pakisuot po ng headband na ibibigay sa inyo para maiwasan po ang pagkawala sa loob." Sabi ni kuyang tour guide habang iwinawagayway niya yung hawak niyang Bus no. namin sa ere. May inaabot silang headband na may susulatan ng pangalan sa taas. "Ano pong pangalan ma'am?" tanong samin ng babae na naka-jeans at polo uniform na light green. "Issa po at Charlotte." nakangiti kong sabi sa babaeng nasa harap namin. Pagkatapos niyang sulatan ang headband namin ng glow in the dark ay iniabot niya na ito samin. "Welcome to Garden of Lights. Have a nice day ma'am!" pagkasabi niya non ay pumunta na siya sa nasa likuran namin. Napansin kong mali ang pagka-spell niya sa pangalan ko imbes na 'Issa' naging literal na 'Isa' yung sinulat niya. Pinapasok na kami sa loob, hinawi namin yung makapal na telang itim bago ka makapasok sa entrance. Wala kang makikitang kahit anong liwanag sa loob tanging yung glow in the dark na pangalan lang namin sa mga headband namin ang makikita dito. "Dito lang po tayo sa gilid at huwag po munang maglakad-lakad. Lahat ng makikita niyo dito na kumukunsumo ng kuyente ay ginagamitan lamang ng mga solar panels pakihawakaan ang inyong mga gamit at kasama. Welcome to Garden of Lights" pagkasabi ng staff ay may pinindot itong remote na hawak niya at nagliwanag ang buong paligid. Natuwa ang mga bata dahil parang nasa north pole ang disenyo sa loob. Nagsimula ring lumamig sa kwarto at nagsisimula na rin na mahulog ang maliliit na artificial snow flakes. Hindi naman sobrang liwanag sa loob dahil dim light lang naman ang pinaka main na ilaw sa kwarto. "Wow ang ganda Ate!" nagtatalon sa tuwa si Charlotte sa nakita niya kaya mas hinigpitan ko yung pagkakahawak sa kamay niya. May mga naggagalawang working elves, reindeers at Santa Claus sa lugar. Ang iba naman ay may gumagawa ng regalo at dinedeliver ito sa mga bata na parang christmas light kung magbukas sindi yung mga ilaw. Para tuloy pasko dito sa lugar na ito. Lumapit samin yung isang kaklase ni Charlotte na hawak hawak ng Kuya niya na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Niyaya niya si Charlotte na maglaro sa mga artificial snow kaya binitawan na namin ang dalawang bata para maglaro sila. Hindi namin inalisan ng tingin si Charlotte at ang kaklase niya na nag-eenjoy maglaro. Napatingin ako sa katabi ko ng ilahad niya yung kamay niya sa harap ko. "Max nga pala." sabi niya habang nakangiti sakin. "Issa" nakipag-shakehands na rin ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Ngayon ka lang sumama sa Field trip ng kapatid mo?" tanong niya sakin habang ang mga mata namin ay nakabantay sa dalawang bata. "Oo, si Inang sana kaso makulit si Charlotte ako yung gustong pasamahin eh." natatawa kong sabi kay Max na natawa nalang din. "Parehas pala tayo, si Karen kasi ayaw niyang pasamahin si Dad kasi hindi daw siya makapag-enjoy kasama yung mga friends niya,tsk" sabi ni Max ng umiiling-iling pa dahil sa rason ng kapatid niya. "Babysitter pala tayo ngayong araw, Max" sabi ko sa kanya habang natawa. "Right, hahaha" tumawa nalang din si Max dahil mukang naiisahan kaming dalawa ng mga kapatid namin. Pagkatapos namin sa Garden of Lights ay pinaakyat na kami ng Tour Guide sa Bus. Nasa pinaka likod pala nakaupo si Max at ang kapatid nitong si Karen mabilis ko siyang nakagaangan ng loob dahil sa masayang pakikipag-usap si Max
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD