SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 33 KINAUMAGAHAN AY NAUNA pang gumising si Chantara kaysa kay Doukas. Maingat niyang kinalas sa katawan niya ang pagkakapulupot ng braso nito upang hindi ito magising. She slipped out of the bed without barely making any noise that might interrupt Doukas’ sleep. Her core and thighs were still aching but she had to get up and start her day magnificently. Uumpisahan niya ang kanyang araw sa pagdadala ng magandang balita kay Nanay Luciana. Pupuntahan niya ito sa bahay ng mga ito. Hindi na makapaghintay si Chantara na ipaalam kay Nanay Luciana na aalis sila ni Doukas patungong Amerika para sa kanyang operasyon. Gusto niyang ibahagi kay Nanay Luciana ang kasiyahan niya. Tiyak na matutuwa ang matanda sa ibabalita ni

