SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 51 “WE REALLY HAVE TO TALK.” Doukas firmly said. Ang mga mata nito ay nakadirekta sa pintuan ng silid kung saan nakatayo si Chantara na tila ba nakatitig ito sa kanya, sa kaluluwa niya. Seryosong-seryoso ang ekspresyon nito na nagdulot kay Chantara ng kakatwang kaba. Gustong ipagpalagay ni Chantara na may sama ito ng loob sa kanya at sa kung ano mang dahilan ay hindi niya mapunto. Nilapitan ni Chantara si Damini na tuwang-tuwa nang makaakyat ng kusa sa wheelchair ni Doukas. “‘Nak, sama ka muna kay ninang Neptune mo kasi may pag-uusapan pa kami ni Sir Doukas.” Pati paa ni Damini ay dinala nito sa upuan ng wheelchair at paluhod na pumuwesto roon. Naiilang tuloy si Chantara kay Doukas dahil sa kadaldalan ng kanya

