Chapter 18
.
.
Nasa harap ko ang pinaka geapong lalake na nakita ko buong buhay ko.
His body was even more bulky now.
Shemmyyy… hulamang hulma ang six pax nya. Ang tigaa… pinisil pisil ko pa ito .. ang tigas talaga ng matipuno nyang dibdib.
“I wanna taste you baby.”
Hala sya! Taste daw!?
Ano ako? Ulam?
Gusto kong kumontra. Pero hindi ko magawa. Walang lumalabas na salita sa mga labi ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Gawd forgive me at magkaka sala na naman ata ako. Pikit mata kong dalangin.
“Look at me baby.” Parang nahi- hypnotize ako ng malamig at malambing nyang boses.
Napaka sexy pakinggan ng boses nya at napaka sexy ng katawan nya.
Hala ano ba itong naiisip ko.
“Ugghh…” yun lang ang tangin nagawa kong ingay ng sunggaban ni JI ang peaches ko.
I want to tell him to stop dahil parang hindi kona kinakaya ang kakaibang pakiramdam na binibigay nya sa akin.
Bigla syang tumigil at humarap sa akin.
“Kaye, baby. Wanna ride on me?”
Ha? Ano daw?
“Ride on me.” Ulit pa nito.
Nakakalokong ngisi ang binibigay nya sa akin.
“Ride or Die.”
Wait.
“Wanna ride on me?”
“Ride on me.”
“Ride or Die.”
Tumatawa sya. Si Ji ang nasa harap ko pero tawa ni Jake ang naririnig ko.
“Aaahhhh……”
Paking tape!
Isang bangungot.
Isang wet dream.
“Ahhhh…” singaw kong muli at sinabunutan ang sarili ko.
“Waaaahhh…..” sigaw kong muli ng makita ko ang sarili ko na hubo’t hubad.
Nilibot ko ang paligid. Nasa kwarto ko ako. Andito ako sa bahay ko.
Mag isa lang ako.
“Gawd, why did that happen?”
Napahilamos ako ng mukha ng maalala ko lahat ng nangyari kagabi sa amin ni Ji.
.
.
Isang malakas na katok ang narinig ko after kong makapaligo at bihis. Malalate na ako sa school.
“Delivery for Mrs. Kim.”
“Ahh kuya wala pong mrs. Kim dito.” Sabi ko.
Nagkamot naman ng ulo ang rider at binasa ang address at name of receiver.
“Mrs. Kaye Marie Velarde Kim. Ito po kasing adress.”
“Yes that’s me. Pero walang Kim. Okay?”
“Sige po ma’am. Papirmahan na lang po dito.” Ani ng rider.
“Thank you po.”
Iniwan ko na muna ito sa lamesa. Alam ko naman kung kanino galing.
Bwisit na lalakeng yan. Umalis ng walng paalam pag katapos makuha ang kahinaan ko.
Ansabe!? Hahaha
.
.
“Hay na ko bhe, wala pa rin si Jaz. Bka sa isang araw pa daw sya uuwi.”aniya ni Jake.
“Hayaan mo na. Nakausap ko na rin naman sya. Sabi ko damihan yung pasalubong natin.”
“Okay so tayo na lang muna ang mag tulungan sa mga assignment natin. Tara sa library.” Masayang aya ni Jake.
.
.
“Ay kahit sa library sagana ang mga rich kid na marites?”pairap na sabi ni Jake.
“Hayaan mo na sil, kaligayahan na nila yan.”
“Look bhe, so officially girlfriend nga ni Papa Inigo yang si Gemmy Lee. Anak ng pinaka malaking sponsor at producer ng SKY.” Sabay pakita sa akin ng news sa phone nya.
Para namang may tumutusok sa puso ko. Nagiinit ang mga mata ko.
Lang yang lalake yan. Pagkatapos tikman ung peaches ko, may official girlfriend na ibabalandra sa news.
Kalma self. Mas maganda ka dyan.
“I know how you feel bhe. Dapat talaga sabihin mo na sa kanya ang tungkol kay Kairo.”
“At ano? Magmumukang kawawa kami ng anak ko na humahabol sa kanya? Tapos pag pipyestahan ng media ang anak ko? Over my dead gorgeous body. I wont let that happen to Kairo.” Pinilit kOng magkaroon ng tapang ang bawat salita ko.
Niyakap ako ni Jake. Hindi ko alam na may luha ng tumutulo sa mga mata ko kung hindi pa nya ito pinunasan ng kamay nya.
“You can cry bhe. Andito naman ako, kami mga friend mo para sayo.” Malambing na sabi ni Jake.
“Bhe naman kaya napag kakamalan tayong mag jowa eh.” At nagpakawala ako ng muntik halakhak.
Nakayakap parin sya sa akin at nakasubsob parin ang mukha ko sa dibdib nya.
“Okay lang yan. Maganda tayong pareho kaya keribels lang yan. Ayoko kayang ma link sa chaka no. No way.”
Umangat na ako ng mukha at sabay kaming tumawa.
“Ssshhh…” sabay sabay na sabi ng mga taong nasa library.
Natawa naman kami ulit pero wala bg tunog.
It hurts. Sabi nya mahal nya ako. Pero bakit may Gemmy Lee?
.
.
Pauwi na kami ni Jake. Hindi na kami pumasok sa next subject dahil ayaw kong makita walang yang lalakeng yon.
Nagpunta kami sa KTV Bar. Sosyal ang bar na ito at may mga private rooms. Pang yaamanin bes.
Dalawa lng naman kami at kumanta kami at kumain ng kumain ng chips at kung ano ano pang masasarap na meron sa bar. Juice lng at water ang drinks namin dahil ayaw namin mag alak.
“Ano? Nabawasan ba pagka irita mo?” tanong ni Jake.
“Yes bhe. Thank you.”niyakap ko pa sya ng mahigpit.
“Jake!” matigas na tawag ng isang lalake sa kaibigan ko.
“Dad.” Muntik pa akong matawa dahil biglang ang pogi ng boses nya.
“What are you doing here? You’re supposed to be at school at school. Why are you here?” galit na sabi ng dad pala ni Jake.
Malaking lalake ito at halatang gwapong gwapo lalo nung kabataan. Matikas din ang katawan at naka formal ang suot.
A respectable handsome business man. Yan ang masasabi ko sa datingan ng daddy ni Jake.
“Ah, I’m sorry miss. You are with my son? I suppose you’re his girlfriend right?” ay ang gwapo lalo ng dad nya pag naka ngiti.
“Ah..” sasagot na sana ako pero mabilis na nag salita si Jake.
“Yes dad, this is Kaye my girlfriend.” Sabay kabig sakin ni Jake na kinagulat ko.
“Babe this is my dad. Dad, this is Kaye Marie my beautiful girlfriend.” Pakilala sa amin ni Jake.
Wtf bhe ano to? Instant jowa? Sakyan ko una ang trip nya. Mamaya na kami mag uusap.
“You’re so beautiful young lady. Buti naman nagka girlfriend na anak ko. Kahit isa wala pa akong nakitang dinate at inuwi nito sa bahay. Join us lovers. I’ll call your mom para makapag dinner tayo kasama sya.” At nilagay na ng daddy nya ang phone sa tenga nya.
“Walang hiya ka, bakit ginawa mo akong tomboy?” gigil na bulong ko sa kanya at ngumiti ng pilit.
“Sumakay ka na lang. Akong bahala sa iyo. Name your price.” Ngumiti din ito sabay tingin sa daddy nya.
Galawang poging pakboy ang tindigan nya ngayon. Naka sandal ako sa pader ng hallway ng mga room ng bar at nasa harap ko si Jake habang naka tukod ang isang kamay sa pader at nakayuko sya sa akin habang nag uusap kami.
Para kaming nag lalandian kanto. Ano ba ito!?
Isa na namang sakit sa ulo. T.T waaahhhh.....
.
.