Papunta ako nang conference room para sa isang meeting tungko sa bagong regulasyon na inimplement ko sa loob ng kompanya, Related ito sa nangyaring nakawan noong nakaraang buwan, Napatunayan na si Natasha Celo ang may pakana sa nakawan at nasa kulungan na ito ngayon sa tulong ni Aries at Eros na tumulong sa imbistigasyon at Si Zeus na tumayong lawyer ng aming kompanya. Papasok na sana ako sa conference room ng biglang mag ring ang aking phone, kinuha ko ito mula sa aking bulsa upang tingnan kong sino ang tumatawag, Dad, agad ko itong sinagot "Hello Dad?" Sabi ko dito "Anak? kamusta kana?" Masaya nitong tanong sa linya "Ok naman dad, Napatawag ka?" Tanong ko dito "nandito na ang magiging personal assistant mo anak" sabi niya, hindi ko akalain na totohanin nito ang paghahire ng magiging

