Gaia's P.O.V. Kasalukuyan akong nagmamaneho ng isa sa mga sasakyan na pag aari ni Cole pa puntang mall, usapan namin ng matalik kong kaibigan na si Bia na mag kikita kami sa starbucks. Bago ako umalis ng mansyon ay tumawag muna ako kay Cole upang ipaalam dito ang usapan namin ni Bia, una ay hindi ito pumayag dahil naka leave ang driver na maghahatid sa akin ngunit pinilit ko itong pumayag dahil kaya ko namang magmaneho ng sasakyan, wala na rin itong nagawa kaya't pinayagan na lamang ako nito. Kasalukuyan akong nag papark ng sasakyan sa parking lot ng mall nang biglang tumulog ang aking phone, tiningnan ko kung sino ang caller, Bia, “Hello best?” Bati ko sa kanya “Saan kana, ang tagal mo, Kanina pa ako dito” Reklamo ni Bia, na traffic kasi ako kanina kaya medjo na tagalan “Nandito na a

