2

1993 Words
Coles's P.O.V. "Marami bang chix doon?" Tanong nang sira ulo kong pinsan na si Eros sa kanyang kapatid na babae na si Maria. Sila ang anak ni uncle Carl na kapatid aking ama , apat silang magkakapatid, tatlong lalaki, si Zeus, Eros, Damon at ang bunso at nag iisang babae na si Maria. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Maria. "Tumahimik ka nga Eros ang ingay ingay mo di ka nalang sana sumama" reklamo ko habang nag mananeho ng sinasakyan namin papuntang skwelahan ni Maria, ito ang aking bagong Lamborghini Sián Roadster na kakahalaga ng $3.7 million o Php 177,600,000. Napagkasunduan namin ni tito Carl na ako ang mag hahatid kay Maria patungong Unibersidad kung saan ito nagaaral dahil busy daw ang mga kapatid at naka leave ang driver nito, at dahil wala akong gagawin ngayon, alas onse palang nang umaga kanina ay tapos ko na lahat ang pepermahan kong mga papeles at wala akong meeting na naka schedule ngayong hapon kaya pumayag ako na sa pakiusap ni tito charles na ihatid ito, at nang nalaman ng mga sira ulo kong pinsan at mga kapatid na pumayag ako, nagsibulontaryo silang sumama sa pag hatid kay Maria sa paaralan nito kaya heto kami ngayon naagsisiksikan na parang sardinas sa loob ng bago kong sasakyan. Ewan ko ba kong bakit dito pa sila nagsiksikan samangtalang doble doble ang mga mamahaling mga sasakyan ng mga ito. "Nagtatanong lang e" Reklamo ni Eros. "Tumahimik ka nalang kasi, puro kasi babae laman ng isip mo" saway ng kapatid kong si aries na akala mo hindi babaero "Hiyang hiya naman ako sayo pinsan, halos nga gabi gabi iba ibang babae dinadala mo sa condo mo" pangungutya ni Eros sa kapatid kong si Aries "Magsitigil nga kayong dalawa, di na kayo nahiya, naririnig kayo ni Maria" Seryoso kong sabi Maya maya ay naka pag park na kami sa parking lot ng unibersidad. Bumaba kaming lahat at tiningnan ang buong paligid na para bang pinagaaralan ang bawat detalye at hulma ng buong skwelahan. "Mauna na ako mga kuya" Pagpapaalam ni Maria sa amin "Sige baby girl, mag-iingat ka" si Zues ang sumagot "Opo kuya, kuya Cole salamat pala sa pag hatid" isa isa niya kaming hinalikan lahat bago siya umalis. Nag pasya kaming mag libot sa eskwelahan. Batid namin na sa amin naka titig ang bawat pares ng mata ng mga estudyante pati na rin ng mga guro sa loob ng eskwelahan ngunit hindi namin ito alintana sapagkat sanay na kaming tinitigan ng karamihan. Naglakad pa kami hanggang sa marating namin ang harapang bahagi ng eskwelahan. habang abala kami sa pag mamasid sa paligid ay aksidente kong nabangga ang isang babae. medjo malakas ang pagka bangga ko sa kanya kaya napasubsob siya sa aking dibdib, hihingi na sana ako ng paumanhin sa babaeng nabangga ko nang maramdaman ko ang pagyakap nito sa akin baywang. biglang kumulo ang aking dugo sa inakto ng babae. sinadya yatang banggain ako ng babaeng ito nang mapansin ko, uminit ang aking ulo sa isipang iyon kaya sinadya kong biglain ang pag hatak nito palayo sa aking katawan "Ang tanga mo nman miss, sobrang lapad ng paligid para magka banggaan pa tayo" sighal ko sa dito bigla ang pag bago ng ekspreyon ng mukha nito at halatang galit ito "Excuse me, hindi po ako tanga sa pagkakatanda ko ikw ang bumangga sa akin, tumigil lang ako sandali dito para hagilapin angg cellphone na nasa loob ng bag ko ng bigla mo akong banggain, at hindi sana tayo magka banggaan kung tumitingin kalang sa dinadaanan mo" sigaw nito sa akin. "at ako pa ngayon ang may kasalanan? o baka naman sinadya mo talangang mangyari ito para mapansin kita" pilyo kong tanong habang may pilyong ngiti sa aking mga labi. nakita kong namumula ang kanyang pisngi habang nanlilisik sa galit ang mga mata nito "As if nman may rason ako para magpa pansin sayo" gigil na sagot nito. Nag mamaang-maangan pa e halata namang nagpapapansin tulad ng mga babaeng desperada na mapansin ko o masilo ako o sino man sa mga pinsan at mga kapatid ko, Sabi ko sa aking isip "Sa yaman kong ito at itsura walang babaeng hindi ako papangarapin" pagmamayabang ko sa kanya. "So feel mo gwapo ka?" taray nyang tanong "ngayon alam mo nang hindi lahat nang babae may gusto sayo, lalo na ako, hinding hindi ko papangarapin ang matandang lalaking tulad mo" sigaw niya sa akin "Anong sabi mo?" magsasalita pa sana ako nang bigla itong sumigaw "Gago" sabay talakod sa akin at naglakad palayo "Putang ina" napa sigaw ako sa galit. Nagsitawanan ang mga pinsan ko na nakasunod lamang sa likoran ko. "Parang nakahanap ka na yata nang katapat mo pinsan" kantsaw ng pinsan kong si Eros "Tumahimik ka, Gago" Irita kong sagot na naging rason upang mas lalo nila akong pagtawanan. s**t ang babaeng yon tinawag pa akong matanda. ako pa din ang nagmamaneho pauwi sa mansyon ni uncle carl. "Puta pinsan, wala na bang ibibilis yan?" pilosopong tanong ni Zeus. Sa galit ko ay hindi ko namalayan na sobrang bilis na pala ng takbo ng sasakyang minamaneho ko. "Kung magpapakamatay e wag mo na kaming isama, ikw nalang mag isa" Sabi ni eros na nakahawak pa ang kanang kamay sa may grab handle sa gilid ng sasakyan at ang kaliwang kamay naman ay naka hawak sa likorang bahagi ng front seat. ganon din ang nakita kong posisyon ng iba pang naka upo sa likorang bahagi ng sasakyan. "Ganun ba kabilis ang takbo ko?" wala sa isip na tanong ko. hindi pa din mawala sa isip ko ang mukha ng bungangerang babaeng iyon. "Medjo mabilis bilis lang nang konti kompara noong nakikipag habolan tayo sa mga kalaban natin" seryosong sagot ni Damon. ganun ka bilis ang takbo ko? tanong ko sa aking sarili. alam ko kung gaano namin ka bilis pinapatakbo ang sasakyan kapag ma tyempohan kami ng kalaban, kalaban ng pamilya namin sa negosyo at mga kalaban namin ng mga kapatid at mga pinsan ko, mga babaeng gumagawa ng paraan para maging parte ng buhay namin, mga babaeng gumagawa ng paraan para masira kami sa oras na hindi nila makuha ang gusto nila sa amin. sanay na kami sa pakikipaglaban at ilang beses na din naming natakasan si kamatayan, ilang beses nang nanganib ang buhay namin ngunit maswerte kaming naka ligtas. ganito din ang narasanasan ng ama ko at nang tito carl na ama ng mga pinsan ko, kaya bata palang kami ay pinag training na kami ng mga magulang namin ng self defense, pinag enroll kami sa martial arts at lahat kami ay nka kuha ng mataas na ranko at nagamit namin ang natutunan namin simula noong nag-aaral kami sa koleheyo sa London, palagi kaming na sasangkot sa gulo dahil lamang sa babae, amido kaming babaero pero hanggang kama lamang ang mga iyon, pangpalipas oras, pang painit ng gabi. hindi namin kinakaawaan ang mga babaeng naikakama namin sapagkat ginusto naman nila na mangyari iyon. ni minsan ay hindi kami nag commit sa isang relasyon, para lamang iyon sa mga taong nag-iibigan at wala sa bokabularyo namin ang salitang pag ibig. naalala ko noong pinagbabaril ang aming kotse ng mga taohan ng babaeng naka one night stand ng pinsan kong si Eros. maswerte kami at bulletproof ang kotseng sinakyan namin "Nasabihan ka lang ng Matanda ni miss ganda kanina, parang hindi kana namin nakakausap ng maayos" pang aasar ni leander sa akin "Maganda ba yon?" irita kong tanong sa kanila "Kuya bulag kaba?" si aries ang sumagot "ang ganda ganda niya, para nga siyang anghel na bumaba sa lupa" dag dag niya habang iniimagine na nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy "Desperada naman, pinilit ba naman akong yakapin" Saad ko "Anong desperada? kuya hindi kami bulag, ikaw kaya ang bumangga sa kanya, tsaka obvious naman na napayakap siya sayo para makakuha ng suporta nang maibalanse niya ang kanyang katawan, tsk" sabi ni Leander. "Tama si Leander insan, nag react ka kasi agad hindi mo man lang inisip kung makaka sakit ka ng damdamin ng iba" Pangkokonsensiya ni Damon "Wow, nag salita ang hindi marunong manakit ng damdamin ng babae" pang aasar ni Eros kay Damon at nag tawanan silang lahat. "alam mo bang si kuya Zeus ang unang naka pansin sa kanya, at plano sanang magpapansin kaso na unahan mo na insan" biglang nag salita si Damon. Hindi ko mawari kong totoo o nag sisinungaling ito. tiningnan ko si Zeus sa may rear view mirror tahimik lamang ito na naka upo sa likorang bahagi ng kotse at naka tingin sa labas ng bintana, napag tanto kong hindi ito nakisali sa mga pinsan kong nang aasar sa akin at kanina pa ito naka tingin sa labas. Imposible nmang magka gusto si Zeus sa babaeng iyon, bungangera iyon at tulad ko wala din sa kanyang bokabularyo ang salitang pag-ibig, sa tingin ko ay gusto niya lang itong maikama, ang pinagtataka ko ay bakit ganito ang inaakto niya gayong hindi naman ganito ang pag uugali niya. Hindi nalang ako umimik at nag focuse sa pagmamaneho Gabi na nang dumating ako sa mansyon dahil dumiretso pa kami ng mall para maghanap nang pang regalo sa nalalapit na kaarawan ni Maria bago ko hinatid ang mga pinsan ko sa mansion nila, nakalimutan kasi naming bumili ng pang regalo gayong pare pareho naman kaming galing sa france dahil sa isang business meeting. Dumiretso ako sa aking silid at nag tungo sa banyo para maligo, hinayaan kong dumaloy ang tubig sa aking kabuoan habang nererelax ko ang aking katawan sa ilalim ng ng shower ng biglang sumagi sa aking isip ang mukha ng babaeng naka alitan ko kanina sa eskwelahan. "Hindi ako papatol sa isang matandang lalaking tulad mo" Paulit ulit kong naririnig sa aking taynga ang kanyang linya na para bang sirang plaka. Bakit ko ba kasi siya iniisip? tanong ko sa aking sarili. pinilit kong iwaglit sa aking isip ang babaeng iyon. Nang maka pag bihis ay kinuha ko aking laptop at naupo sa malaking sofa sa loob ng aking silid at sinuri ang mga unread emails. Isang email ang natanggap ko mula sa di kilalang email address, dali dali ko itong binuksan at nagulat ako sa nilalaman ng email, mga litrato ng isang babae na may ginagawang hindi maganda sa loob ng aking opisina, ang unang litrato ay naghahalungkat ito ng kung ano sa drawer sa gilid ng mesa, sa pangalawang litrato ay sinusubukan niyang buksan ang aking computer at ang pang huli ay dinidikit ng babae ang isang audio recorder device sa ilalim ng aking mesa. ito pala ang nag lagay ng audio recorder device. kilalang kilala ko ang babaeng ito, siya ang inirefer ng aking ama na papasukin at bigyan ng posisyon sa loob ng kompanya dahil anak raw ito ng matalik niyang kaibigan, nilagay ko ito bilang isang Clerk sa Accounting Department. alam kong isa ito sa mga babaeng naka one night stand ni Eros. kailangan kong malaman ang buong pagkatao nito at baka isa ito sa mga taohan ng mga kaaway ng ama ko sa negosyo. Dali dali kong tinawagan ang kilala kong detective.tatlong beses pa itong nag ring bago niya sinagot ang tawag "Yes Mr. Montalban? goodevening" bati sa akin ni detective Fernandez "Goodevening Detective, maari bang i check mo ang background ng babaeng nag ngangalang Natasha Celo?" Utos ko kay detective "Copy mr. Montalban, tatawagan agad kita once na makakuha ako ng information patungkol sa babaeng yan" sagot niya "Thank you Detective" pinindot ko agad ang end call button. kung sino man ang nag padala sa akin ng email na iyon ay nagpapasalamat ako sa kanya. malamang magkasabwat si Natasha Celo at si Greg De guzman ang dati kong empleyado na pinusisyon ko bilang head ng Accounting Department na nakapagnakaw ng milyones sa kompanya namin, Matalino siya pero mas matalino ako, nalaman ko agad ang ginawa niyang pag nakaw. tulad ng pinataw ko sa dating head ng finance department ng kompanya namin ay pagbabayarin ko din si Natasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD