36. Basic

2118 Words
Napaamang ang labi nito tapos maya-maya ay naglabas ng kaunting ngisi sa labi. He leans his face into me. Halata sa mata nito ang pang-aasar. “Are you asking me to marry you?” Natatawang aniya, parang naghahamon. It’s like he finds something fun. Naglikot ang tingin ko at tuluyang bumalik sa katinuan noong ma-realize ang sinabi sakanya. Oh my god! What did I just propose to him? Bakit hindi manlang ako nagdahan-dahan sa sinasabi? Oh no! Dapat talaga ay tinatapalan ko na ng tape ang bibig at utak ko! Parehong may sinasabi na hindi maganda tungkol sa lalaking ‘to! I calm myself down. Okay, chill lang, Celestial. Wag kang pahalata na seryoso ang bagay na ‘yon. Don’t act like a pathetic woman! Kunyari ay nagbibiro ka lang. Or you’re just teasing him! Tumawa ako. It was a smooth laugh. Iyong cool lang—na sakto sa binabalak ko. Bahagya akong lumayo sakanya para mailayo ang mukha. “Kung pwede. Tutal naman ay nasa ganito na tayo? Hindi ba?” Nakitawa ulit ako. “Sino ba namang may ayaw na nakakaunawa sayo? Wala hindi ba? Everyone wanted a partner who can understand them! You know your words kaya we’ll be a perfect match!” I laughed hysterically. May sense ba ang pinagsasasabi ko? “Okay… okay. Chill ka lang. Nagmumukha kang defensive—” Masama ko siyang tinignan. “Excuse me?! That is sarcasm kaya!” Ramdam ko ang pamumula sa leeg ko. Oh my god, am I blushing right now!? Tumawa siya. “It’s okay, Celestial. Kung gusto mo ng karamay, then I’ll be here. Kung wala pa akong asawa, sino ba naman ako para tanggihan ang alok mo?” Magiliw na pagtanggap niya. His eyes were dancing, his smile is bright. Kita ko sa sariling mukha ang hindi makapaniwalang saya niya na expression. My mouth hang opened. Ang dibdib ko. Ito na naman tayo sa masakit at matigas na kabog ng dibdib ko! Oh god, save me from this… from this! “T-Tumigil ka na nga…” Tumayo ako sa kama para hindi niya mapansin ang tunog ng dibdib ko. Hindi pwede. Wag kang ganyan! “Okay! Umupo ka na dito at kailangan mo pa sabihin sakin ang presentation mo!” “Heh!” Sigaw ko dito at pumunta sa closet. “Pupunta muna akong banyo para maligo! You should start reading that because I am going to ask you questions! Pag hindi mo nasagot, may shopping ako worth fifteen thousand!” Sabi ko sakanya. I don’t know why I feel so much embarrassed about this. Nagmamadali kong kinuha ang damit at sinamaan siya ng tingin—tapos maya-maya ay umiwas ulit. Napasipol ito. Tumawa. “Hindi mo na ako kailangan tanungin! I will give it all to you! Kahit ilan pa ‘yan! Anything for my future wife!” Simula nito sa pang-aasar. “Stop it, Javier!” Iritadong sigaw ko bago padabog na pumasok sa CR dahil naghuhumerentado na ang dibdib ko. This is not fair! He is joking and making my heart feel something crazy! Tapos siya ay tumatawa lang? Hindi dapat ako magpatalo sa mokong na ‘yon! If I feel something, I should make him the same! Teka? Bakit hindi ko na lang pinigilan ang nararamdaman? Napatili ako sa inis. May nararamdaman ba ako? Oh no! This is so worse! That night was nothing but a tease. Hindi ako tinantanan ni Javier kakaasar sa kasal. Kung pwede ipasok ang usaping kasal sa usapan habang pinag-uusapan namin ang project, he will do it! Kaya wala ata akong naramdaman habang nag-eexplain kung hindi gulat at kaba! Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito ha! “Ano? Tapos na? Pwede na umuwi o ibabahay mo na ako dito? Mas madali pa ata mag-practice maging asawa kesa intindihin ang project mo!” Hagikgik nito na ikinapula ng mukha ko. He is really having fun there teasing me and all! Habang ako naman ay tulala lang sa kakapalan ng mukha niya! Minsan nga ay naca-caught off guard ako dahil sa pang-aasar nito! Iyong tipong wala akong ganti o imik sa kahayupan niya. "Hindi pa! Mag-eexam ka pa para doon sa tinuro ko sayo last week! Pag mali ang sagot mo, ubos ang ATM mo!" He amazingly shook his head. "Grabe...ang angas mo namang mang-banta..." Inirapan ko siya. After the project, iyong exam sa labor relations ang sinunod namin. Bukas na kasi ang exam namin doon. Alas-kwatro. Busy ako na-irefresh lahat sakanya ang mga itinuro last week. I even prepared an answer sheet para sagutan niya. "Siguraduhin mo na may maisasagot ka talaga bukas!" singhal ko sakanya habang siya ay busy sa pagsagot. He smirked. "Syempre may masasagot ako. Ikaw ba naman ang nagturo..." Napahinto ako. Pero lalo lang nagwala ang laman loob ko noong kindatan niya ako pagkatapos. What... a flirt. Natapos ang mini-exam niya ay okay naman ang score. Actually—tama nga niya lahat. Alas-kwatro na... 2PM ang exam niya bukas. He needs to rest para may masagot bukas. It's my major subject so he needs to ace it! “Umalis ka na nga! Ihahatid ka ni Manong! Layas!” Sabi ko dito noong dumating ang alas-kwatro ng umaga. Nakatayo na ito sa pintuan ng may ngiting tagumpay. “Yes hubby! Aalis na!” Tuloy pa rin niya sa pang-aasar. “Sige. Text me when you get home.” Utos ko sabay salampak sa kama. Mukha man siyang lalaki sa paningin ko—babae pa rin siya. So kailangan niya mag-ingat. I want peace… and sleep. “Pero ayoko pala muna umalis.” Napamulat ako sa sinabi nito. Ano na naman ba!? Hindi ba talaga siya pwedeng mapirmi? Iyong isang sabi lang, no other comments na? Pumunta ito sa isang upuan at doon nag-krus ang braso niya. Pinangkitan ko siya ng mata sabay sinimangutan. Gusto ko ng matulog at magpahinga! My body is aching from that practice, pero ito siya ngayon at nagre-reklamo ng kagaguhan! “Ano na naman?” Tanong ko dito. “I want something.” I sighed… Ano ba ang gusto niya? Tumayo ako sa kama at hinarap siya. Nandoon pa rin ang winner looking niya kaya mas lalo akong nainis. “Umalis ka na!” I stomp my feet, inaantok na. “Ayoko. Aalis lang ako… pag…” “Pag!? Pag! Ano na namang gusto mo?” Tanong ko dito. I am so desperate for him to get out! Nakakaubos ng energy ang lalaking ito kasama buong magdamag! “Call me wifey muna,” utos nito sabay halakhak. Napaamang ang labi ko, nag-init ang mukha sa kabaliwan niya. Pumunta ako sa kama at binato siya ng unan. “Gago! Umalis ka na nga dito! Don’t test my patience huh! Isa pa, ang mga bilin ko sayo bukas! Tandaan mo, exam na sa block niyo! So kung nahihirapan ka sa subject, talk to me!” “Sus, basic. Inaral na natin lahat noong nakaraan eh!” Tawa niya. “Sige na, alis na ako hubby!” Hirit pa nito sa pang-aasar. I sighed in annoyance. Wala na akong energy para sumagot, at hindi namalayan na nilamon na ng antok. Kinabukasan ay hapon na ako pumasok. Wala naman silang prof so okay lang. Kung meron, okay lang din. Wala naman ng exams si Javier na kailangan ko gawin. But how about him? Sure bang basic talaga? Pag binagsak niya talaga ang test ay mabe-basic ko ang mukha niya. "Huy! Pre!" Tinawag ako ng mga kaibigan ni Javier habang nakaupo ako sa gilid ng classroom. "Why?" I asked them. Napailing ang mga ito. "Bakit mukha kang natatae? Ayos ka lang ba pre?" Dahil sa sinabi nila ay napahawak ako sa mukha. Paano ba ang mukhang natatae? Guys and their description in things! "Natatae?" "Hindi ka mapakali eh! Hindi ka na naman ba ni-replyan ni Ms. President?" Tanong nila sa'kin. "Alam mo, iinom na lang natin 'yan?" Nakangiti ang mga ito, tila naghihintay ng sagot na pabor sakanila. Napasimangot ako. Inom? Kasama sila? It's really not my hobby to drink! Tinignan ko sila, umiiling. "Para saan? Bakit ako iinom?" Hindi ko mapigilang itanong. tinignan ko ang telepono at muling sinilip kung may text na si Javier. Me: Ano? Text me right away if tapos na ang exams niyo. Lagot ka talaga sakin pag bumagsak ka. The guy whistled. "Grabe men, mukhang nadali ka talaga ni Ms. President! Akala ko kapatid mo ang gusto niya!" Napairap ako. "Hindi naging sila ni Jameson." "So steal-steal lang?" Sinamaan ko ang mga lalaki ng tingin. Mukha bang may inagaw si Javier? "May nag may-ari ba sakanya? Gamitin niyo nga ang mga utak niyo!" Depensa ko sa sarili at padabog na tumayo. "Woah! Chill pre! Hindi naman ikaw ang tinitira! Asar na asar oh!" Tawa pa ng dalawa. I glared on them. Hindi ba talaga sila titigil? Naramdaman ko na ang titig ng iba sa room. Napailing ako sabay irap. Ayoko ng away sa lalaki. Baka masuntok na naman ako. "You should stop spreading humors. Hindi maganda sa lalaki ang chismoso tol." Nakangising iling ko sakanila. Padabog ko na kinuha ang bag, habang ang nang-aasar ay nakatikom ang bibig. I walked out from the room. Nakakainis, umagang-umaga sira na agad ang araw ko! Pumunta ako sa building ng poltical science at doon tumambay sa bench. Hinihintay ko ang response ng lalaki. Oh God, please. Let him pass. Alam kong gago si Javier pero wag po ang grades ko. Straight week ko iyong itinuro sakanya noong nakaraan, sana ay wag mapunta sa wala! Napatalon ako noong tumunog ang telepono. Swear, Javier is making me feel so much emotions for this week! Puro kaba ng dibdib ang hatid ng lalaking ito sa'kin! Celestial: Im donee Pagkabukas ko ng message ay gusto kong ibato ang phone sa nakita. Ano, iyon lang? Pasado ba? Bagsak? Me: hey anong grade? Pasado? Bagsak? Ayusin mo susungalngalin talaga kita pag nakabalik tayo sa dati! I was waiting for a respond, but he failed to do so after ten minutes. Hindi na ako mapakali kaya mabilis kong dinampot ang bag. I decided to go on my room upstairs. Naririnig ko ang tawag sakin ng ilan na ikinailing ko. Mga mahadera. Pagkarating ko sa room ay maingay ang buong klase. I somehow miss my own class. Tuwing exam ay laging ganito kaingay ang mga kaklase ko kasi wala, bagsak sila! Iyong iba naman, they miss some answers. Basta... ito ang masarap pagkatapos ng klase. After the heavy exam, ito ang bubungad. Maiingay na komento... nakakatuwa. Teka, iba ang pakay ko dito! "Si Celestial?" Tanong ko sa kaklase na si Marie. Nilibot ko ang tingin, at doon. Masayang nakikichismis si Javier sa mga babae. Nakaakbay pa ito sa dalawa! Wow talaga! Ang lakas pa niya tumawa! Hubby at wifey pa siyang nalalaman kagabi! "Celeste! Tawag ka ng boyfriend mo!" Mahabang sigaw nito sa classroom—I did not expect that it will be loud like that! Napalingon tuloy sakin ang lahat. Nakakahiya! Kailangan ba talagang isigaw?! Hayop na babae 'to! Nagkasalubong naman ang tingin namin ni Javier. "Oh?!" Nakangiting tumayo si Celestial at kinawayan ako. You jerk! You better know what are you doing! Ang saya mo ha! "Bakit ka nandito?" Iyan ang unang tinanong niya sakin noong makarating siya sa harapan ko. "Pasado ka ba?" Ang kaninang ngisi niyo ay mas lalong lumapad. Nagtaas-baba ang kilay nito. "Stop that. Ano nga?" I asked him again. "Yes of course!" Halakhak niya. "Why are you so tense babe? Syempre!" "Anong syempre?" "Syempre pasado!" He laughed. Hindi iyon nakatulong at mas lalo lang akong kinabahan. Nakakainis naman! "Ano nga? What is your score?" I asked him again, annoyed. Nakita ko ang tingin sa'min ng ibang babae. Grabe, mga chismosa talaga ang blockmates ko. "Secret!" He chuckled. Aba, duda na ako sa pasado! Feeling ko tuloy ay pasang-awa! "Javier naman!" Hinila ko ang kamay niya para igaya sa bintana. Para kami lang ang makakarinig ng usapan. "Guidance ang abot ko niyan ulit pag pasang-awa!" "Nahihiya ako sabihin!" Nahihiya! "So, pasang awa ka?" Bagsak balikat na tanong ko. I should say goodbye to my dreams, really. His eyes glimmer. "Hindi..." I sighed. Mamamatay talaga ako sa pabitin ng lalaking ito. "What is it?" I asked him. Kaunti na lang ay iiyak. "Halika..." Sumenyas pa ito na dapat ay lumapit ako sakanya. "Ano na naman ba—" "Basta! Ibubulong ko na lang sayo!" Nakakahiya ba ang score? Baka hindi pasang-awa! Baka bagsak talaga! Paano na lang ang reputasyon ko? Ang image? Ang matalino na Celestial... ay wala na! Wala akong nagawa kung hindi ang inilapit ang tenga sa bibig ni Javier. "I got it all right. I aced it perfectly. Basic nga, hindi ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD