29. Sacred

2138 Words
Noong nakalabas na kami sa mall ay gabi na. Gabing-gabi. Akala mo ay mga walang pasok bukas—but I couldn't care less because of the beautiful street lights around. Ang malamig na hangin, maingay na sasakyan, mailaw na daan.... Wow, I never imagined the night would be beautiful like this. Hindi kasi ako palalabas ng gabi. Lagi akong nag-aaral at kung ano pa. I never gave a chance to myself to play around kahit pwede naman. Nasanay lang ako na aral-bahay ang buhay. My life was okay, but I am starting to like this. "Saan tayo?" Tanong ko kay Javier. Mangha itong tumingin sakin. "Akala ko ba uuwi na tayo?" Umayos ako ng tayo at tumikhim. Kailangan ay magmukha akong walang pakialam sa nangyayari sa'ming dalawa. I just need to act like I am not enjoying this. "Sabi mo I have nothing to lose," sisi ko sakanya. "So I am going to extent." "Going to extent huh?" Aniya at nag-unat. "Tawagin mo muna ang driver ko tapos may pupuntahan tayo." "You are not going to drive! Walang lisensya ang katawan—" "Wala namang makakaalam!" Pigil nito sakin. "Dali na! Kailangan natin ng sasakyan para makarating doon!" Pilit nito. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Sinasagad ko naman lahat, why not have a violation to the law too? "Are you enjoying?" "Hindi." Why is he asking an obvious question? "Hindi ba halata?" Dugtong ko pa. Kumabit ito sa braso ko sabay hagikgik. "Sabagay. Sino ba ang hindi mag-eenjoy? You just had a shopping spree." "Yes at thank you sa pagbigay!" I laughed. Pakiramdam ko talaga ay nabudol ko siya. Dumating ang sasakyan namin, pero sa kabila ito nakaparada. "Ayun na!" Javier notice his own car. "Tara na—" He carelessly run towards the road! Muntik na siya masagasaan right in front of my eyes kung hindi ko lang siya nahila pabalik! "Are you fvcking serious?!" Galit na tanong ko dito habang hawak ko ang beywang niya. Gulat ang mukha nito at namumutla. While my heart is thumping so fast because of nervous. Hindi siya nag-iisip... "Mag-ingat ka nga..." I sneered on him. Tumango-tango si Javier. "Y-Yes... sorry." I sighed my irritation. Masaya na nga ako dahil naipag-shopping ko ang sarili. Dapat ay positive ako ngayon. Positive lang... "Ma'am, sir! Okay lang po ba kayo?" May dumalo sa'ming guards kinalaunan. Medyo muntik pa kami maging center of attraction pero pareho kaming tumango na lang ni Javier at sinabing okay lang. "Ma'am, Sir!" Aniya. "Kumusta po? Ito na po ang susi sa sasakyan! "Manong!" Javier jumped in delight. Mukhang miss nito si Manong driver. The old man nod his head weirdly. Nagtataka siguro kung sino itong babae na nakangiti sakanya at feeling close. "Magandang gabi, mga hija. Nandito rin si Joselito para ihatid ako pabalik sa mansyon. Ingatan niyo ang sasakyan huh!" "Sige manong!" Si Javier, tumatawa. "Mag-iingat po kayo ni Manong Joselito!" Natawa ang matanda. "Aba'y ang bait naman nitong girlfriend mo, Javier! O siya, sige! Mauna na ako!" "Mag-ingat po kayo..." I told the old man. Tumango lang ito sa'min at hindi nagtagal ay nakita namin mismo na sumakay na ito sa pangalawang sasakyan. "I miss manong..." Sabi ng lalaki sa gilid ko at sinusundan ng tingin ang sasakyan. "Let's go," I told him. Nagpunta kami ng sasakyan. Nagmadali itong sumakay ng driver seat. "Ingatan mo nga ang katawan ko?" I told him noong makapasok kami sa sasakyan. "Inaalagaan ko na nga sayo eh..." "Yeah right. I'm sorry about that. Na-excite lang." He told me. Hindi ako sumagot at tinitignan ang mga pinamili kong damit kanina sa iba't-ibang store. This day was worst earlier. Pero tignan mo nga naman ngayong gabi, I am having my best time! I have a lot of things with me! Pero teka... "Hoy, sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi ba tayo mahuhuli?" Paninigurado ko sa kabaliwan na gagawin namin ni Javier. "Alas-onse na." Javier started the car. "Wala naman sigurong manghuhuli." Bulong niya, pero hindi iyon nakatakas sa tenga ko! "Anong siguro?! Can you please make sure?!" "Teka lang! Nag-iisip nga ako eh!" He said and drive. "Ano ba 'tong mga bias na 'to. Ang liliit." Sasapukin ko talaga siya! He adjusted his driver seat and get ready. "Gosh, I miss my car." He hugged the wheels. "I miss my life too," dugtong ko sa sinabi niya. I guess, we are both missing our own lives. "Sa bagay, siguro you are tired of pang-mahirap na life," I pointed out to him. Napaamang ang labi nito at tinignan ako ng masama. "Grabe, ganyan ba ang tingin mo sakin?!" "Bakit? Ano pa ba ang dahilan kung bakit miss mo ang buhay? Mr. Castell? You're brother who is punching your because he is jealous over a girl na saglit lang niya naka-date?" Maanghang na sabi ko dito. Mangha akong nilingon nito saglit. "Woah, woah! Akala ko ba ay gusto mo ang kapatid ko? Ano na ang nangyari bigla?" Takang tanong niya sakin. I shook my head on him. "Nakaka-turn off pala ang ugali ng kapatid mo." He started the car kaya medyo napatuwid ako ng upo. "Siguraduhin mo na maayos ang takbo ha!" Banta ko dito. "Pag tayo talaga nasagasaan sa kung saan—" "Can you please stop being so negative? Stop shouting malaki din ang boses mo!" Sita niya, tumataas din ang boses. "Oh ngayon alam mo na ang pakiramdam ng masigawan ng isang lalaki at boses mo?" Bumagsak ang balikat nito at malalim na huminga. "Hindi ko talaga alam ang gagawin sayo 'no?" He sounds so hopeless. "Kung iuwi na lang kaya kita?" I didn't know, pero that felt like a threat! Ayoko pang umuwi—hindi dahil sa gusto ko pa siyang makasama or ano! Outside feels an escape. Mas gusto ko dito sa labas. Masama ang loob ko pero nanahimik din. Ngunit di ako mapalagay. Mukha akong napapahiya eh! "Javier, where are we going?" Simula ko ng usapan. "You'll see. We are going... to something bright." Something bright? "Sana ay hindi langit 'yan ha?" Iling ko dito. Nagsalubong ang kilay nito. "Ikaw at yang bunganga mo!" Hindi na ako nagsalita. Ayoko na makipagsagutan habang nagd-drive siya. My anxiety is also kicking because he is driving! Nakailang lunok ata ako bago kami makarating sa lugar! At least, hindi kami nagising sa ospital! The something bright Javier is talking about were the city light. Maganda at kumikinang ang paligid galing sa maliliit na gusali kung titignan dito. Dahil nga gabi na ay tumama ang malamig na hangin sa katawan ko and it was the most relaxing thing I've ever encounter. "This feels nice." I told him. "Yes... I like it here too. It feels like the old times." Tango niya. "Dito ako pumupunta pag walang magawa." Tumaas ang kilay ko. "This is your... sacred place?" "Hmm..." Tumango-tango siya. Tila may sumikdo sa puso ko na pilit itinulak palayo. So he cheer me up and brought me to his sacred place. "This is a nice place," I told him. "Siguro kung meron kang girlfriend, dalhin mo dito. You will look romantic." "Really?" Tanong niya. "Am I looking romantic now?" Napalingon ako dito. "And why are you asking me that?" "Wala lang. I just want to know if you ever find me romantic..." Natulala ako sa sinabi nito. "T-Tigilan mo nga!" Nakakahiya ang pinagsasasabi niya ha! "What? I am really curious... Am I looking romantic now? Para kung sakali, gagawin ko rin sa girlfriend—" "Girls doesn't like that!" Tarantang sagot ko dito. "Girls doesn't like that... Iyong ginawa mo na sa iba... tapos gagawin mo pa sakanya—" "Pero sabi mo kanina gagawin ko sa girlfriend ko?" Natatawang tanong niya. Inirapan ko ang lalaki. "Since when did you listen to me? Gawin mo na lang ang ginagawa mo kagaya ng dati. Contradict what I said." "Why are we even talking about having a girl? Ni hindi nga tayo makabalik sa dating katawan." Isinabit ko ang kamay sa bakal at doon sumandal. "You are right... Why are we even planning ahead? Dedma na lang sa sitwasyon natin?" I told him. "By the way, how is it to be a girl?" Umpisa na tanong ko. "Hmm," napatango ito. "Obviously, mahirap maging babae. Ang daming kailangan, ang daming needs." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What needs?" "Like having food at night? Hindi naman ako kumakain ng gabi noong nasa katawan ko. But your body.. just growl at 2AM! And I don't know why!" Kwento nito. Natulala ako, tapos mamaya ay natawa. "Oh, I'm sorry! Sanay kasi akong kumakain ng ganon. I usually like my milk at two..." Kumunot ang noo nito. "You like your milk at two AM? Are you serious?" Napailing ito. "Yes! Milk is good for your health huh! Why?" Natawa ito. "It's always good babe. Pero kung alas dos ng madaling araw? Shouldn't you sleep?" "Nah.. I am studying." Actually, I really like to do things at night. Buhay na buhay ang isip ko sa gabi at hindi ko naman mapigilan na... maging ganon. Noong napunta ako sa katawan ni Javier—doon nagsimula ang hobby na lagi akong tulog! "Teka—ikaw ba, lagi kang tulog?" Tanong ko sa lalaki. "Yes. If I ever have a chance, I want to sleep!" Aniya. "Pero ngayon, hindi ko magawa dahil yung katawan mo, sira ang body clock!" Ngumuso ako. "Anong sira? Nakasanayan ko lang 'yan!" Sabi ko sa lalaki. "You're accusing me too much ha!" "Yeah! Isa pa, the horror of your period! Wala ka bang listahan kung kailan ulit dadatnan ang katawan na 'to?" Umiling ako dito. Grabe, he is so cute while whinning. "Wala? Paano mo naagapan kung meron ka na?!" "Hindi... Mararamdaman mo naman 'yan sa katawan mo. Pag masakit ang puson, kahit wala pang lumalabas, that's the sign to put on napkins..." Napaamang ang labi nito habang nakikinig lang sakin. Naghihintay ako ng sasabihin niya, kaya lang ay natulala na ata ito ng tuluyan. "Bakit? Hoy!" Gising ko dito. "I cannot believe this. Pakiramdam ko ay tinuturuan mo ako maging babae..." He sighed harshly. "Si Suzy? Hindi ba nagtataka sayo?" "She is!" Nilingon ako nito sabay iling. "I am acting weird palagi. Everyone can notice! Pero sa tingin niya ay dahil sa aksidente iyon." Natawa ako. I am sure Suzy is trying to understand my behavior right now. It must be tough to my friend. "Tapos nagtatanong pa siya kung bakit daw kita sinusunod!" "Ano sabi mo?" Tinignan ko siya ng mabuti. "I told her 'Javier is brilliant.' Wala naman siyang sinasabi pagkatapos noon." Sinimangutan ko siya. "He must found you very weird right now..." "Yes! Ano bang tingin noon ni Suzy sakin? Parang bobo si Javier sakanya eh!" Inis na aniya. "What did you tell her huh?" Natawa ako sa sinabi nito at napailing. Grabe ang halakhak ko at hindi mapigilan. Bumalik kasi sakin iyong alaala ng dati. Lagi kaming magkaaway ni Javier and Suzy knows how much I despise him. Ilang beses rin akong nagsisisigaw ng bobo sa office dahil kay Javier! "Ang lakas ng tawa mo huh... Ayos ha. Pag nilalait talaga ako..." "Eh sa naalala ko iyong kwento ko kay Suzy. Gosh, I miss her so much!" Sabi ko sa lalaki. "Tsk. Tapos lahat ng kaklase mo naawa sakin kasi I am struggling academically daw..." Tumaas ang kilay ko. "So that's why you're close with the girls?" Tumango siya. "Yes! They are assisting me!" Napatango ako. Akala ko naman ay siya lang itong malaking manyak samin. "Ang hirap nitong buhay mo..." He sighed. "Mahirap din kaya maging lalaki." Sabi ko dito. "You're friends are constantly tapping my shoulder. Mga nananakit pag magtatawag. Ang bibigat ng kamay nila!" Tumawa ito. "It's our normal greeting! Dapat ay masanay ka na sa ganon nila!" Aniya. My eyes widened. "I will never try to get used to it! Excuse me lang ha! Ang bigat-bigat! Tapos alam mo ba si Jameson? Ang hirap niyang pakisamahan! Feeling ko ay sasapakin niya ako lagi pag nagkakasalubong ng bahay!" Nakangiti lang itong nakikinig sa mga reklamo ko. Parang hinihintay niya pa ang susunod kong sasabihin kaya nagpatuloy ako. "Tapos iyong mga teachers at kaklase natin. Feeling nila sa tuwing nakaka-perfect ka sa exam ay nandadaya ka kaagad! What do they think of you ba? A cheater?" Ungos ko dito. "Why don't they just think that I hit my head hard on the accident at biglaang tumalino?" We both laughed for what he said. "Pero sa tingin mo ba, makakabalik pa tayo? Kung makakabalik nga, paano kaya?" I stared on the stars. These days, I cannot help but to wish on the universe. Kasi something magical could only lift our situation. Hindi science, or math. It's just magic. Nagulat ako noong hinawakan ni Javier ang kamay ko. "Don't worry. Makakabalik tayo sa dati.. Hindi naman Niya tayo pababayaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD