Pagkatapos naming maligo–hindi kami sabay! Noong matapos kaming dalawa na mag-ayos ay pareho kaming umupo sa veranda at tinignan ang langit na mabigat pa rin ang buhos ng ulan. "Should I get another room?" Tanong ko sakanya. Imbes sumagot ay niyakap ako nito at tumawa. "Bakit naman tayo kukuha pa ng kwarto? We can share naman. Tipid na, masaya pa—" Hindi ko na pinatapos ang lalaki at hinila ng kaunti ang buhok niya. Napangiwi naman ito sa ginawa ko. "Aray, bakit ka nananakit ng babae?!" Arte nito sakin at akala mo ay nasaktan talaga siya sa paghila ko. "Tantanan mo ako ha. Pero kung hindi titila ang ulan, we will stay here?" Pag-iba ko ng tanong sakanya. Muling bumalik ng yakap sakin ang lalaki. Hinayaan ko lang siya kasi kaming dalawa lang naman ang nandito. Ngumuso ito at hindi n

