Magdamag na iginugol nalang ni Natalia sa pagtratrabaho ang mga gumugulo sa isipan nya na dinagdagan pa ni Cindy. Pero hindi parin nawawala ang tiwala nya sa babae. Nakakasigurado sya na hindi sya kayang ilaglag nito. Sana nga Natalia.. kontra ng isipan nya. Matapos maiserve ni Natalia ang inorder na alak ng customer sa kanya sa may bandang dulo ay bumalik na sya sa counter. Gusto pa sana syang itable nito pero hindi sya pumayag. Although gusto lang makipag usap nito sa kanya pero alam nya sa sarili nyang wala sya sa mood kaya mariin syang tumanggi dito. Umupo muna sya saglit at nang mapatingin sya sa entrance ay nakita nya agad si Gabriel na kakarating lang. Bahagya pa itong tumango sa mga bouncer ng batiin sya ng mga ito. Agad na nagtama ang kanilang mga mata para itong slowmotion sa p

