Nauna akong makarating sa condo. Maya maya naman ay dumating narin si Anthony. Hindi na ako magtataka kung ano yung importanteng sasabihin nya saken dahil alam ko naman na tungkol iyon sa kaso ni Yaya. Sana naman ay goodnews iyon. Nang maipark na nya ang kanyang kotse ay pinapasok ko na sya kaagad sa loob. Lumilinga din muna ako sa paligid at nang masiguro kong walang kung anong kahina hinala ay pumasok narin agad ako sa loob. Isa pa hindi rin ako pwedeng masyadong magpa expose sa labas lalo na at hindi ko pa nalalaman kung sino ang tunay na gumagawa ng krimen. Nang makapasok na kami ay pinaupo ko muna sya sa sofa sa salas saka inalok ng makakain. Alam kong hindi pa rin ito nag aalmusal kagaya ko dahil sabay kaming madaling araw na umuwi. Pero gaya ng dati ay umorder nalang ulit ako ng

