Kinabahan ako ng makita kong si Gabriel pala ang humawak sa aking braso. Nagulat pa ako ng hilahin ako nito palayo sa kotse papunta sa malaking poste Sana ay hindi na bumaba si yaya sa kotse para hindi siya makita ni Gabriel dahil kundi baka mabuko niya agad ako. Isang beses lang naman sila nagkita ni Yaya noon pero alam kong matatandaan niya parin ito. Kumakabog ang dibdib ko. Isa pang inaalala ko dala ko ang aking kotse ngayon baka lalong mag isip ito ng tungkol sa akin at paimbestigahan ako. "Natalia, matagal ka pa ba riyan?" narinig ko tawag sa akin ni Yaya. Napapikit naman ako ng bahagya. "Yaya wag kang lalabas dyan, please lang," dalangin ko sa isipan ko. "Hindi na po madam, may nakita lang pong kakilala," sagot ko kay Yaya para isipin ni Gabriel na amo ko ang tumatawag sa aki

