Halos maubos ang lakas ko sa kakapumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Anthony. Tila lahat ng magandang pinagsamahan namin ay naglaho ng lahat para sa akin. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko kay Anthony. Gustong gusto ko na itong sapakin dahil sa nakakalokong mga ngiti nito. Nagmimistula itong demonyo sa aking paningin. Bagay na bagay nga dito ang maskarang suot nito noon. Sana ay hindi na lang nito hinubad iyon. "Bakit hindi mo ba ako gusto? Alam mo ba kung gaano ako nagpipigil kapag magkasama tayo sa condo mo na tayong dalawa lang? Para makuha ko ulit ang loob mo huh!?" sabay dila nito sa akin tenga. Nandiri naman ako sa ginawa nito. Nakaramdam ako ng kilabot at halos magtayuan na ang balahibo ko sa buong katawan. Hindi ko na nga kilala ang Anthony na nakikita ko ngayon. Bakit ba n

