Pagkatapos ng pag uusap na yun ay pwede na daw ako magstart kinabukasan. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas ay natupad na ang aking unang plano para sa maipaghiganti ang kapatid ko. Napakuyom ang aking kamao. Kapag naaalala ko ang sinapit ni Ate Margareth ay hindi ko masikmura ang kinahinatnan niya. Binaboy at pinaglaruan ng kung sino man yun na hayok sa laman. Malalaman ko rin ang totoo sa pamamagitan mo Gabriel. Dahil alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ni Ate Margareth. Kaya magbabayad ka. Tanghali na ng magising ako dahil tumama na sa aking mukha ang matinding sikat ng araw na bahagyang ikinapikit ng mata ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang pag iisip na sana ay hindi mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko pa si Yaya

