"Just ignore him! Nagti-trip lang 'yung batang 'yun. Hindi naman siya pwedeng basta na lang magsumbong sa itaas without proof na may relasyon tayo. Hindi pwede 'yung basta sinabi lang niya. Kahit pamangkin pa siya ni Ms. Tracy hindi siya uubra. His statement is invalid unless he has a proof." Paliwanag ni Ninong habang nagmamaneho siya. Susunduin muna namin si Andrei 'tsaka kami kakain sa labas. "Pa'no kung magkaroon siya ng evidence?" Nag aalala kong sabi. Nagwo-worry talaga ako at hindi mapalagay kay Kalix. Naiinis ako sa kanya, mabuti na lang jowa challange lang ang nangyari samin at hindi ko 'yun sineryoso. Bigla tuloy ako nagsisi na nagpahalik ako sa kanya noon. "Paano siya magkakaroon ng evidence? Unless susundan niya tayo hanggang sa condo and takes us a video doing romantic or s

