Busy na naglalaro ang mga pinsan ko sa swimming pool, si Kalix naman ay pumasok sa bahay. Naisip kong chance ko na 'yun na puntahan si Ninong. Mabilis akong naglakad at nagtungo sa kabilang bahay. Pumasok ako sa gate. Tumingin ako sa itaas ng bahay, napangiti ako ng makita si Ninong sa terrace. Ngumiti rin siya ng makita ako, siguro kanina pa niya ko hinihintay na magpunta doon. Umalis siya sa terrace, bumaba siya sa paikot na hagdan at sinalubong ako. Pagbaba niya umakyat uli kami. Inalalayan niya ko paakyat sa taas hanggang makarating kami doon. Binuksan niya ang pinto na nandoon. Pagpasok sa loob, yung malaking TV ang unang tumambad sa paningin ko. May couch at center table. Iniisip ko kung kwarto ba niya 'yun. Binuksan niya ang isa pang pinto. Nakita ko si Andrei na natutulog sa kama.

