Halos wala akong naintindihan sa itinuturo ng professor na nasa harapan dahil yung ipinagtapat ni Ninong ang naglalaro sa isip ko. Hindi mawala yung bigat ng puso ko sa inamin niya sakin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong ramdamin, kung ang galit ba kay Lorraine dahil kagagawan niya lahat 'yun o yung kirot sa puso ko na may nakayakap na hubo't hubad na katawan ng babae si Ninong. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya habang nakayakap sa kanya si Lorraine. Lalake siya kaya imposibleng hindi siya makaramdam ng pagkadarang. Wala naman siyang kasalanan pero hindi ko matanggap na may ibang babaeng nakadama ng katawan niya at hindi lang yun basta babae dahil ex niya 'yun. Siya ang first boyfriend ko at sa kanya ko binigay ang sarili ko. Mahal na nahal ko siya kaya nasasaktan ako n

