-- "Naku Rain! Ang gwapo naman ng kargador mo hija!" "Oo nga may abs pa eh!" "Kay gwapong binata nobya mob a hija?" Sunod-sunod na mga tanong ng mga tinder sa palengke kay Rain. Hindi nalang umimik si Rain at ngumiti nalang siya sa mga nagtanong. Hanggang ngayon kasi nahihiya pa siya at naalala niya pa yung eksena niya sa bukid. Mahinang sinampal ni Rain ang sarili. Ngayon ka pa lumandi Rain Denise! Ilang beses niyang inulit sa sarili. Nang mailapag ni Luke ang mga prutas ay saka naman lumapit ang binata kay Rain. Napansin agad ni Rain ang mga tumutulong pawis nito. Unconsciously, kinuha ni Rain ang kanyang panyo sa sasakyan at pinunasan ang mga pawis ni Luke sa leeg at noo. "Pawis ka na." aniya sa binata habang pinupunasan ang mga pawis nito. Abala siya sa pagpupunas ng pawis nito

