-- Maagang nagising si Rain at agad siyang lumabas ng kwarto para sana tulungan ang nanay niya sa pagluto ng almusal. Binuksan niya ang pinto at saka lumabas. Magulo pa ang buhok niya at hindi pa siya nakakapagayos kasi wala pa naming gising ngayong umaga. Dumeretsyo siya sa kusina at nakita niya si Nanay Aurora na naghahati ng sibuyas. Ngumiti siya sa ina. "Good morning ma." Aniya sa ina at saka humalik sa pisngi nito. Ngumiti rin ang ginang. "Good morning. Ang aga mo yata ngayon?" masayang tugon nito sa kanya habang naghahati ng mga sibuyas. Tinignan ni Rain ang kabuoan ng kusina at saka lumapit sa nanay. "Maaga po ang gising ko ma gusto ko po kasi kayong tulungan magluto. Ano po baa ng maitutulong 'ko?" she said. "Hmmm..." kinuha ni Nanay aurora ang karne sa loob ng ref at ibinigay

