"What?!" Hindi makapaniwalang saad ni Rain sa kanyang kuya Rian na nasa harapan niya ngayon at prenteng nakaupo habang umiinom ng kape. Rian shrugged. "I want you to retire, Rain." Umiling siya at saka napatayo. Wala si Rev, Luke at nanay aurora dahil pumunta ito sa bayan. Naiwan sila ni Rian kasi sabi ng kapatid ay may paguusapan daw sila. Hindi niya naman alam na ito ang paguusapan nila. "Alam mo kuya na ito ang buhay ko!" Pilit niya. Sure her life is full of troubles pero ito ang pinili niya paninindigan niya iyon. Huminga ng malalim si Rian at saka tumingin sa kanya. "Hanggang kailan ka ba mag mamatigas Rain?" Tumaas na ang boses nito. Napakagat siya sa kanyang labi. Seryoso ang kuya Rian niya. Huminga siya ng malalim. "Kuya naman!" She insisted. "Napagusapan na natin ito hindi ba

