-- "Marami bang mga tanawin dito sa La Questa?" ani Luke sa kanya habang tinatahak nila ang daan papuntang bayan. Tinignan siya ni Rain. "Aba! Oo naman. This place has a lot to offer. May talon yung pinuntahan natin ay!" sabi niya at saka lumapit ng konti kay Luke para makapagusap sila ng maayos. "Tsaka may isa pang talon doon eh, dalawa sila parang kambal na talon. Kung aakyat pa tayo ng konti makikita na natin yun." Lumapit din ng konti si Luke sa kanya. "Ehem! Lapit pa more." Narinig nilang sabi ni Rian pero hindi nila ito pinansin. They indulge themselves in talking. "Ano pa?" "May magagandang tanawin din eh, kagaya ng mga malalaking bukid at mga dikit dikit na bundok. Napakarefreshing tignan kasi walang ganito sa Maynila. Masarap ang simoy ng hangin at konting kembot lang may lu

