"Rain! Rain! Gising na umaga na tanghali na!" naalimpungatan si Rain sa sunod sunod na katok na nangagaling sa kanyang kwarto. "Rain Rain gising na umaga na tanghali na" napakunot siya nang noo nang mapansin na may tono ang sinabi nito. Natawa nalang siya nang mapagtanto niya na ginamit nito ang tonong Rain Rain go away. Tsk! Ang mga kuya niya talaga. Pinusod niya ang buhok at agad na lumabas. Nabungaran niya si Kuya Rian. "Good morning." "Morning kuya." Tumango si Rian at nagbigay ng isang mainit na kape sa kanya. "Salamat." "anything for you princess, halika na kain na tayo." Pagpasok niya sa kusina nakita niya si kuya Rev at Luke na busy sa paghanda ng umagahan. Napatingin sa kanya si Luke at ngumiti. Ngumiti siya pabalik kahit nalilito siya sa mga nangyayari. "Si Mama?" "Nasa ba

