Totoo ang sinabi ni Rain na pupunta siya ng talon. Kalahating oras na drive mula sa kanilang bahay pero hindi siya nagpunta doon para maligo. Doon kasi nila napagdesisyunan na magkita ni Lucas ngayon dahil sa mga informations na nakuha nila. Siya ang humahawak ng kaso at kahit pumalpak siya kailangan niya parin niyang malaman ang takbo ng imbistigasyon. Huminga siya ng malalim at saka ipinarada angsasakyan malapit sa talon. Ilang minutong lakad lang ay nakarating na siya doon. Nakita niya ang motor ni Lucas doon at ang magandang falls na patuloy ang tubig sa pagagos. She composed herself at saka unti-unting lumapit kay Lucas. "Hey." Aniya sa kaibigan. Lumingon si Lucas sa kanya at ngumiti nakita ni Rain ang mga dala-dala nitong isang folders na may nakatatak na confidential. "Kumusta?"

