-- "No! Lucas! Kailangan koi yon! Don't you dare protect me again. Damn this kung ako ang kailangan niya hindi ako tatakbo. Kung ako ang makakapigil sa kanya I would rather be dead. I need to finished this Lucas. Ako ang dahilan ng lahat ng ito." Ani Rain at may isa pang cellphone na hawak-hawak sa kamay nito at mukhang kausap si Lucas. Namamaga ang mga mata niya pero wala siyang pakialam. Ibinaba niya ang telepono at huminga ng malalim. Madaling araw na at doon niya lang naramdaman ang antok at pagod sa kanyang sistema. Binuksan niya ang pintuan saka pumasok at ganun nalang ang kanyang pagkgulat nang makita si Luke sa loob ng kwarto niya! "Luke!" sigaw niya. Ayaw na ayaw niya sa lahat yung may basta basta nalang nangingeelam sa mga gamit niya. At hindi basta basta ang mga papel doon.

