Matamlay na bumangon si Rain sa kanyang kama at saka nagunat-unat. Wala siyang matinong tulog namamaga ang kanyang mga mata sa pagiyak. Gusto niyang kalimutan ang lahat pero hindi niya kaya. Hindi niya kayang makalimot. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pintuan niya. Handa na siyang harapin ang galit ni Luke. Sanay naman na siya eh. Akamang lalabas na siya ng biglang bumugad sa kanyang harapan ang binata. Nanlaki ang kanyang mga mata at gulat na gulat. Ang alam niya ay galit ito. Na hindi siya papansinin nito pero bakit? Bakit nandito ito sa harap ng kanyang kwarto at nakangiti. Hindi niya alam ang iisipin. Ano nga ba ang nagyayari? "G-Good morning!" masiglang bati nito sa kanya. Mas lalong nagulat si Rain sa inasta nito. "Eh.. Ah..." "Hmmm?" tinignan siya ni Luke at tila ba pa

