"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Rain kay Luke nang huminto sila sa isang hospital sa di kalayuan. Hindi pa kasi sila nakakarating sa Las Questa province, mga sampung oras ang kailangan para makarating doon at gabi na. "Tinatanong pa ba yan?" inis na sabi ni Luke at saka tinuro ang kanyang braso na hanggang ngayon ay hindi parin tumigil sa pagdudugo. "Kaya ko—" "Wag ka ng magreklamo!" anito saka tumayo at pinagbuksan siya ng pintuan. Dumeretsyo sila sa hospital at agad silang dinaluhan ng isang nurse. Inalalayan si Rain at sinimulang gamutin ang sugat nito. Napapapikit si Rain dahil sa hapdi pero ininda niya iyon. Napasulyap siya kay Luke na bumibili ng pagkain sa tindahan at halata parin sa mukha nito ang pag kainis. Sa hindi malamang dahilan bigla ulit nakaramdam ng pagsipa an

