6

1179 Words
Malakas ang hangin at makulimlim ang ulap nguit hindi iyon alintana ni Rain. Nakasalampak siyang umupo sa damuhan at hinaplos haplos ang puntod na nasa harapan niya. Sophia Kyla Palina We will always love you. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unting hinayaan ang sarili na lamunin ng katahimikan. Ngumiti siya ng mapait and start humming a song. A song that is so important to her. Lumakas pa lalo ang hangin ngunit hindi niya iyon pinansin. Patuloy niyang hinaplos ang puntod. "I miss you Sophia, I miss your smiles and laughter sana nandito ka pa. Pero wala akong magawa kundi ang humiling, na sana hindi ka nalang nawala. Na sana ako nalang. " Sa mga oras na litong-lito siya at hindi niya alam ang gagawin palagi siyang babalik dito. Sa lugar kung nasaan si Sophia isang napakahalagahang parte sa buhay niya. Isang parte ng buhay niya na hindi niya makakalimutan. She doubt herself if she Pagnandito siya feeling niya nandito rin si Sophia. Na hindi isya nagiisa. Whenever she's here she always finds the comfort and peace. Pagsobrang magulo na ang buhay niya at hindi na niya kaya she'll drive hanggang sa makarating siya dito. Tumingin siya sa kalangitan at saka ibinagsak ang katawan sa lupa. Humiga siya doon at unti-unting pinikit ang kanyang mga mata. Her job was not easy from the start. Marami siyang kailangang isakripisyo. Akala niya manhid na siya. Akala niya matagal ng nakabaon ang puso niya. Pero hindi pa, kasi hanggang ngayon may nararamdaman parin siya. Kahit ilang beses niyang itangi, ilang beses niyang takbuhan may kinahan parin siya. May mga bagay parin siyang kinakatkutan. She's after all human. Peligro, kung siya ang tatanungin yan na ang buhay niya. Hindi siya ligtas at kung malapit ka sa kanya asahan mong masasaktan ka. Asahan mong madadamay ka. Pero kahit balibaliktarin niya ang mundo tao parin siya at nasasaktan. Huminga siya ng malalim at saka tumayo. Ipapasa nalang niya sa iba ang trabaho. Hindi niya kaya ang pakisamahan ang isang napakamakasarili at arroganteng lalaki. At hindi niya rin kaya ang madamay pa ito sa mga susunod na pangyayari. Bago siya maglakad paalis ay tinignan niya na muna ang puntod bago umalis. "See you again Sophia." -- "What nonsense are you saying Agent Fontanel?" ani Chief. Bakas sa mukha nito ang galit at pagkadismaya. Bumuntong hininga si Rain at saka hinilot ang sentido. "Sir, hindi ko po kayang I-handle ang isang lalaking kagaya ni Luke. Please lang po ipunta niyo nalang po ako sa iba." Pakiusap niya. Ipinikit niya ang kanyang mata at nagdasal nasana pumayag ito pero napaigtad siya ng hampasin ng kanyang boss ang lamesang nasa harapan niya. "Are you a true agent, Agent fontanel?!" sigaw nito. "Sir yes sir!" aniya. Napatayo siya ng tuwid pilit na itinatago sa mukha ang bakas ng pagkagulat. "Are you brave?" "Sir yes sir!" "Then bakit ka nagrereklamo! Simpleng bagay lang hindi mo pa magawa sumalo pa kaya ng bala para sa mga inosenteng tao?!" sigaw ng kanyang boss. Hindi siya nakaimik at napayuko. "Kala ko ba matapang ka pero bakit sa simpleng ugali lang ni Luke Santiago hindi mo matagalan?! Ba't ka nagrereklamo ? ganyan na ba ang agent ngayon! Shame on yourself! Alam mo sa propesyon na ito hindi ito basta basta! Nakasalalay dito ang buhay at kung hindi mo kaya then, file a resignation letter at makakaalis ka na." anito sa napakalamig na boses. Napalunok naman si Rain. Tila para siyang sinampal. Totoo lahat ng mga sinabi ng kanyang boss. Alam niyang may rason siya. alam niyang may dahilan siya pero mukhang ayaw ng tadhana na basta nalang niyang iwan ang misyon na ito. Huminga siya ng malalim. Unti-unti niyang tinibayan ang loob at saka buong tapang na sinalubong ang mata ng kanyang boss. "I'm sorry sir, hindi na po mauulit." Walang nakitang expression si Rain sa mukha ng kanyang boss. "I'll handle this mission Sir, again. Maraming salamat po ." tumayo si Rain s aka lumabas sa pinto. Humugot siya ng lalim na hininga. Tama ang kanyang boss. She needs to focus. She needs to be brave and to act properly. A soldier needs to fight not for him but for the sake of those people who's in his back. Tama ito, hindi basta basta ang trabaho niya. Dapat hindi siya nagrereklamo. Dapat nagpapakatatag siya. At kung buhay man niya ang nakataya para sa kaligtasan nito wala siyang pagaalinlangan na ibibigay ito. Ito ang buhay niya. This is the path she chose. She needs to be brave. She needs to face it. -- How many times he failed? Napaisi si Luke at tinunga ang kanyang alak na nasa kamay niya. He failed to love, he failed as a boss and he hurt someone. Alam niya na siya ang may kasalan sa pagwalk out ni Rain. Kasalan niya alam niya iyon. He's such a tactless! But, you can't blame him. Sa pagkikita nila ni Lorraine ulit hindi niya maintindihan ang damdamin. He was never really good in handling his emotions. Napapangunahan siya palagi ng mga negatibong damdamin. Napasubsob siya sa counter ng bar at wala sa sariling kinuha ang cellphone. He needs to apologize alam niya iyon. Kahit lasing siya alam niya iyon. Kahit sana naman ito lang ang matinong magawa niya. -- Bang! Bang! Bang! Walang mintis ni isa! Lahat bulls eye. Kanina matapos ang paguusap nila ng kanyang boss dumeretsyo siya sa isang shooting range at doon binuhos lahat ng frustrations na kanyang nararamdaman. Doon niya ibinuhos ang damdamin na hindi na niya kayang pigilan. Nang maubos na ang bala ay doon lang siya nakontento. Ibinaba niya ang baril at saka ang ear protector. Lumabas siya sa shooting range at saka dumeretsyo sa kanyang kotse. Nang makasakay ay hindi niya muna ito pinaandar. She thinks of ways how to act like nothing happened. Kailangan niya bang huminigi ng tawad? Feeling frustrated she closed her eyes ngunit agad din iyong bumukas dahil narinig niya ang kanyang cellphone. Luke S. Calling... Napatingin siya sa orasn it's already pass eight in the evening ba't ito tumatawag. Sinagot niya ang tawag. "Hello?" "H-Hello there my little personal assistant." It was Luke pero iba ang boses nito. Halata mo na lasing. "Luke lasing ka ba?" tanong niya. Narinig niya ang malakas na ingay at tugtugan sa kabilang linya. Umirap nalang siya sa kawalan. Now, she knows nasa bar ito. "I'm okay R-R-Rain..." natigilan siya. "I-I-I just.... Want to apologize, so-s-sorry." Biglang natulala si Rain at hindi alam ang sasabihin. Ba't humihingi ito ng tawad? O baka naman nadala lang sa kalasingan. Either way hindi ligtas si Luke sa bar baka maulit pa ang nangyari. "Nasaan Ka?" tanong niya. "Bar, malapit sa Makati." "Wag kang aalis pupuntahan kita." She said at pinaandar ang kotse. "S-S-Salamat." Ibinaba niya ang telepono at mabilis na pinaharurot ang sasakyan pilit na iniignora ang kakaibang nararamdaman. -- Derederetsyo si Rain sa kanyang paglalakd patungo sa bar. Agad niyang nakita si Luke na walang malay at tulog na tulog na nakahiga sa sahig. Pinagtitinginan narin ito ng mga tao. Huminga siya ng malalim at saka dahan dahan na inalalayan ito. Kailangan na niyang uuwi ang binata. Hindi ito ligtas sa lugar na maraming tao. Akamang paandarin na niya ang kotse nang biglang nagsalita si Luke. "Ang sakit masaktan!" sigaw nito. Napatingin si Rain kay Luke at ganun nlang ang pagkagulat niya nang makita na ang ulo nito ay nasa labas nang bintana ng kotse at nagsusuka. "Maglalasing kasi hindi naman kaya." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD