-- Napasipol si Rain nang makita niya na kompleto lahat ng agent leaders sa kanilang magiging meeting ngayon. Kasama silang dalawa ni Lucas at ang iba niya pang kilalang agents. Sila ang leader ng mga department. Ang organization ay nahahati sa sampung departamento at bawat department na iyon ay pinamamahalaan ng mga department Leaders. Isa sa kanila si Agent Fontanel at Agent Martin. Sa ngayon ang dahilan kung bakit lahat ay naririto ay dahil nagpatawag ng urget meeting ang kilang boss. mukhang pagiisipan nilang mabuti ang gagawin nilang pagsalakay sa sindikato dalawang linggo mula ngayon. Isa-isa silang binigyan ng folder kung saan nandoon ang mga impormasyon na nakalap ng mga spy nila sa sindikato. Agad niya iyon binuksan at saka binasa. Napangisi siya nang mabasa ito at alam niyang

