-- Puso. Pagdating sa parting yan palaging nanghihina si Rain. Oo malakas siya. Oo marami siyang nagawa. Kaya niyang makipagbasag ulo. Prumotekta. Kaya niyang gawin mailigtas ang kung sino man ang kakailangan ng tulong niya pero isa ang kahinaan niya. Ang kanyang puso. Napakagat siya sa labi habang tinitignan ang kanyang bahay. Dito mismo sa bahy na ito ay magkasama silang dalawa ni Luke. Magkasama na naglalambingan. Nagkukulitan ngunit sa isang iglap nalawa agad. Pumunta lang sila sa bahay ng kanyang ama at ano ngayon ang nagyari? Wala. Wala na ang taong mahal niya. Natuahan na ba si Luke? Lihim siyang natawa. Gusto niyang magjoke. Gusto niyang tumawa ngunit hindi niya kaya. Gusto niyang pulutin ang sarili. Gusto niyang magpakatatag ngunit unit-unti siyang nanghihina. Kaya ayaw iyan

