-- Hindi namalayan ni Rain ang oras ganun din si Luke. Everything was just a pure bliss na hindi sila makapaniwala na ngayon na ang araw na babalik silang maynila. Kahit ayaw man nilang dalawa nandoon ang buhay nila. Nandoon ang trabaho ni Luke at nandoon din ang trabaho niya. "Ingat kayo sa biyahe." Ani Nanay Aurora. Niyakap ni Rain ang ina. "Ikaw ma ang magingat palagi." "I will Rain don't worry." Humarap siya sa dalawa niyang kuya. "Next week kami babalik sa maynila maghahanap pa kami ng kasambahay ni mama sa bahay." Sabi ni Rev. "Ingat tun kayo." "we will!" yumakap siya sa dalawang kapatid. Humarap naman ang dalawang kuya niya kay Luke. "Take care of her." Ngumiti si Luke at niyakap din ang dalawang kapatid ni Rain. "I will don't worry." Sumakay sila sa kotse. Bumisina si Luk

