-- Bumaba silang magpapamilya sa kotse. Nakasuot lang sila ng simpleng damit dahil palaro lang naman ito para sa mga trabahador at hindi Party. Nang makababa sila ay agad na hinapit ni Luke ang kanyang bewang. Napagitad siya at bumilis ang t***k ng puso niya. Agad silang sinalubong ng magkapatid na Delos Santos, si Ardon at Manuel. Umalis agad ang kanyang ina para hanapin ang kumara nito. Napasulyap si Rain kay Manuel. Ngumiti si Rain nang lumapit si Manuel sa kanya. makipagbeso-beso sana ito pero agad na pumagit na si Luke. Natawa si Manuel at siya naman ay nahiya. "Totoo pala ang sinabi ni Mama." Nanunuksong saad nito sa kanya. "Nawala lang ako nagka-boyfriend ka na!" tukso nito sa kanya. "Ikaw ah! Bigla ka nalang pumuntang Maynila. May nililigawan ka daw?" pabalik na tanong niya sa

