Raziel Raffia Lynwood’s Pov Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Azmir. Bigla na lang siyang nagpapanik at sinasabi sa amin na kailangan na naming tumakbo dahil may paparating na delikadong nilalang sa kinalalagyan namin. At kahit wala iyong sense sa amin ay minabuti na lang naming sumunod sa sinabi niya nang sa gayon ay mapalagay siya. Besides, hindi pa din naman nagkakasundo sina Lupica kung papayag silang kumprontahin namin ang isang high ranking erian para sa experiment namin. Kaya naman bumalik na lang kami sa 23rd floor para makapagpahinga na muna at mapag-usapan ng maayos ang tungkol sa susunod naming gagawin. “Are you okay?” tanong ko kay Azmir na hanggang ngayon ay nakatalukbong pa din ng kumot habang nakahiga sa kama na ibinigay sa amin ni Lupica. “Az

