Raziel Raffia Lynwood’s Pov Inabot din kami ng mahigit isang oras bago tuluyang nakarating sa southwest wall of this floor. At ang bumungad sa amin ay isang limang palapag na gusali na napapaligiran ng maraming armadong lalaki. “Please don’t mind the guards that I put here,” sabi ni Lupica nang makababa kami sa van na nagdala sa amin dito. “I just have to take extra precautions because I am sure that Archangel will think that I also have the blood samples that I gave to them.” “And they might attack this area to get the result of your test?” Tumango siya. “Hindi naman sa pagyayabang pero higit na advance ang mga equipment na mayroon ang gusaling ito kaysa sa ginagamit nila kaya mas mabilis din naming nakuha ang resulta ng mga pagsusuri sa dugo ni Azmir kumpara sa kanila

