Raziel Raffia Lynwood’s Pov Napapailing na lang ako kapag nakikita ko kung gaano kasama ang tingin ni Dea kay Aize sa tuwing lalapitan ito ni Zuri. Gusto ko na ngang matawa dahil talaga namang nakakaloka ang babaeng iyon at mukhang gusto nang sakmalin si Aize pero syempre, hindi niya magawa dahil wala naman siyang kakayahan na labanan ito. “Hindi ko inaasahan na girlfriend pala ni Zuri ang kapatid ni Azu,” sabi ni Heri na siyang katulong namin sa pag-aayos ng mga tent. “Zuri didn’t tell you anything?” tanong ko na inilingan niya. “He didn’t actually tell anything,” sabi niya tsaka bumaling sa akin. “I mean, about his personal life. And we just accepted him without knowing anything about him except the fact that he is one of the Tower leader's children. Kaya nakakagulat na malaman na m

