Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Maipapaliwanag mo ba sa akin kung paano kami nagkaroon ng ganitong klaseng dugo?” tanong ko sa kanila. “Bakit kami lang ang mayroon nito at bakit ganoon na lang ito kahalaga para sa mga Archangel at mga erian?” “Well, mas maganda kung ipapaliwanag ko ang tungkol doon kapag kasama mo ang mga kapatid mo,” ani Lupica. “Besides, dito din kayo maliliwanagan kung bakit ganoon na lang ang pangmamaltratong ginagawa sa iyo ni Dea.” Kumunot ang noo ko. “At paano mo nalaman ang bagay na iyan?” “Sa daldal ba naman ng kapatid mong si Adzel, sa tingin mo ay hindi agad iyon makakarating sa amin kapag nagtanong kami tungkol sa dahilan kung bakit kayo napilitang pumunta dito,” sabi ni Monica. “Eh kasama nyo naman si Azu.” Hindi lang naman si Azu ang tinatawa

