Chapter 62

1160 Words

Raziel Raffia Lynwood’s Pov This is it! Wala nang atrasan ito. Kahit pa labis-labis na kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay pinipilit ko na hindi magpakita ng kahit anong emosyon habang nakatayo at nakatitig sa harapang bahagi ng Archangel’s Headquarters. Yes, nakatayo ako mismo sa harap ng building na siyang pinasok nila Azu at Zuri upang kunin ang atensyon ng lahat. Isang kasinungalingan lang naman ang sinabi ko na pupuslit ako papasok dahil ang totoo ay haharap ako sa buong Archangel. Ito lang ang nakikita kong paraan nang sa gayon ay makuha ko kung ano ang mga kailangan ko sa loob ng building na iyan nang hindi nagugulo ang misyon nila Zuri. Nasa likuran ko si Drew sa mga oras na ito at magsisilbi siyang bodyguard ko habang nakikipag-transaction ako sa mga Archangel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD