CHAPTER 35 – CEBU Nanatili si Roxanne sa opisina, ngunit hindi na niya gaanong pinupuntahan si Gino. Sa mga nangyari, lalo na sa kanila ng kanyang ina, unti-unti niyang napagtanto ang mga pagkakamali nila. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng tunay na pagsisisi. Nagpapasalamat pa nga siya kay Lia—sa kabila ng lahat, pinayagan pa rin siyang manatili sa opisina. Hindi rin sila pinalayas sa bahay. Pag-uwi niya, nadatnan niya ang kanyang ina na nakikipaglampungan kay Jayson sa sala. Napailing na lamang siya. “Anak, andiyan ka na pala, prinsesa ko,” nakangiting bati ni Carmen habang tumatayo. “Ma, bakit nandito ‘yan?” kunot-noong tanong ni Roxanne. “Anak naman, dito na siya titira.” Napabuntong-hininga si Roxanne. “Ma… baka nakakalimutan mo na hindi na atin ang bahay na ‘to

