SPECIAL CHAPTER 4 – CAMILLE’S SUMMER ADVENTURE (How Did You Know?) Mainit ang simoy ng hangin nang umagang iyon, ngunit hindi iyon hadlang sa kasiyahang bumabalot sa buong Montefalco family. Sa loob ng kanilang bahay, abala ang lahat—may nag-aayos ng gamit, may naghahanda ng pagkain, at may isang batang halos hindi mapakali sa sobrang excitement. “Mommy! Daddy! Excited na ako!” sigaw ni Camille habang paikot-ikot sa sala, suot ang bago niyang swimsuit na kulay pastel at may maliliit na bulaklak. Napangiti si Lia habang pinagmamasdan ang anak. “Baby, hinay-hinay lang… baka madapa ka,” malambing niyang paalala. Sa kabilang banda, si Gino ay nakatayo malapit sa pintuan, hawak ang travel bag at suot ang kanyang sunglasses. Napailing siya, natatawa sa sobrang energy ng anak. “Wait… wait,

