As of now, masaya pa rin kami ni Fraud. Nag-aaway man kami pero hindi ganoon ka-grabe at kadalas. Siguro dahil mas mature siya sa akin at mas matanda siya sa akin kaya madali lang naming nasosolusyonan ang mga away namin. Pero hindi namin siya masasabing away kasi tampuhan lang. Nasa relationship naman kasi talaga ang pag-aaway eh, at nasa inyo na lang ng patner mo kung paano n’yo maha-handle ng tama. May iba kasing immature kapag nag-aaway sila ng boyfriend or girlfriend nila. May iba naman na overacting. Paanong overacting? ‘Yong tipong hiwalay kaagad ang gusto? May mga gano’n ‘di ba? Well kami ni Fraud ay hindi gano’n. Mas nagkakaintindihan kaming dalawa dahil nakikita namin kung ano ang mga similarities and differences namin sa pamamagitan nang pag-aaway.

