"Did you hear what I just said, huh? I told you, I don't want to hear any excuses from you!" Ulit pa niya na mas malakas na this time. Ang dami nang nakakarinig na mga empleyado lalo na ang mga customers na papasok pa lang. "Hindi mo ba nakikita?” turo niya sa mga empleyado na nasa loob ng Hotel, “Every person in this Hotel is busy while you are not around. Hindi ka ba nahihiya sa kanila?” galit na tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin, samantalang coffee break ko naman kung tutuusin. “Nakikita mo ba ‘yon?" turo nito sa isa sa mga lobby boy. Tumingin naman ako. "He's busy, right? Now tell me, is that the proper attitude that a Stock Manager has to possess?" tanong niya habang nakataas pa ang kilay sa akin. Hindi

