Kagulat-gulat man pero totoo. May singsing na talaga ang kamay ko. Hindi ko talaga ine-expect na magpo-propose sa akin si Fraud. As in never talaga. Hindi kasi ako nagkaroon ng hint man lang nang tanungin niya sa akin ang tungkol sa kamay ko. "Grabe ate, engaged ka na kay kuya Fraud," hindi makapaniwalang saad ni Keyf sa akin. Kumakain kami niyan ng dinner kasama of course sina Mommy, Daddy, kami ni Keyf and Fraud. "Nagulat nga din kami ng Daddy mo kanina eh,” sambit naman ni Mommy, “Walang pasabi si Fraud na may ganoon palang mangyayari," dagdag pa ni Mommy. Bumaling naman sa kanila si Fraud. "Sorry po, Tita, Sir, kung hindi ko man po nabanggit sa inyo," hingi naman ng paumanhin ni Fraud sa mga magulang ko. "No, it's okay, Fraud,” sagot namang

