"Ang agang kalungkutan naman niyan, Bes?" sabi niya nang mapansin niya ang mukha kong malungkot. Tumingin lang ako sa kanya. "Hay, Lanz, kung alam mo lang," I said. Tapos dumiretso na kami ng locker at nilagay ang mga gamit namin at pumunta na sa area namin. "Ano ba nangyari?" tanong niya habang nasa area na kami at nag-gi-greet ng mga tao na pumapasok. "Wala. May iba na siya," tugon ko rito. "What?" gulat na gulat na reaksyon niya sa akin. "Makareak ka naman diyan. Wow ah? Tinalo pa ako." "Oo na, sorry. Pero nagulat kasi ako eh," wika naman niya sa akin. "Kasi ga----" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapalingon ako sa papasok na tao. Si Fraud! At si Thea?! Magkasama sila?! Nakahawak pa si Thea sa braso ni Fraud habang todo ngit

